Part 3

753 51 1
                                    

Part 3:

First day of class pero late ako ng 15 minutes pero ayos lang. Mukha namang hindi pa ganoon kahassle ang unang araw. May mga ilang seats pa na bakante and you'll notice na marami din ang late enrollees. First day scenarios, what's new? Nang maaga kaming nadismiss, nag ikot ikot muna ako sa campus. Maraming organizations na ang nagsisimulang magrecruit para sa mga samahan nila. There's a lot about different specializations at subjects, the typical clubs during high school. Meron ding about sports, dance groups, chorals, religious groups at syempre, hindi rin magpapatalo ang mga grupong naghahanap lang ng friends. Funny they even gave weird names on their groups such as dota addicts, Hearthealers club, the telletubies, and barbie with the ponies." I wanna burst out, sobrang kakabagin ata ako sa mga nakita ko. Tinuloy ko na lang ang paglilibot hanggang may isang ad ang nakatawag sa pansin ko.

"be the person behind the sweet serenading voices of Epic Launch! The pride of Lyndon University is now looking for a song writer/composer. So hurry up! Visit us now @ room M9005"

Halos mapahalik ako sa bulletin board nang mabasa ko to. Eto na yung hinihintay ko. Finally,may makakapansin na rin ng mga kanta ko. Dali-dali kong hinanap ang sinasabing room sa ad. Pagpasok ko dito, bumulaga agad sa akin ang mga instruments ng banda. Tumambad din ang di na mabilang na trophys at certificates na nakahung sadingding .my TV at kitchen din ito. More likely of a pad not a practice room.

"hi! Welcome to our humble home."

Bati sakin ng isang chinitong lalaki.

"ha.. hi."

Pautal kong sagot. Moreno type, matangos ilong niya at he has broad shoulders, his eyes, its very mesmerizing. Para kang tutunawin isang titig lang, and the abs? jaw dropping! Aba talagang mauutal ka nga naman.

"applicant kaba for song writing?"

Tanong niya with matching ngiti. Awkward dahil hindi agad ako nakasagot. Nahuli pa niya kong nakatitig sa abs niyang bakat sa manipis nitong shirt. Jeez! Agad akong pinamulahan ng pisngi.

"uhm. Yeah. Sana."

"Okay, lets see."Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa "Cool.i like your fashion statement. Okay, you're in to the band. By the way im Emman. Ang drummer ng banda"

Sabi niyang nakangiti nanaman. Emman? As in Emmanuel? God with us? Tignan mo nga naman oh, love na love talaga ako ni Lord.haha

"PO??" Kunwari'y gulat kong tanong.

"oh bakit ayaw mo?"

"ay hindi, hindi po. Gusto ko. Salamat po. Im Chasey Kiehl Fortalez nga pala. Thank you po ulit. Pero, wala man lang bang audition?"

"no need, magaling naman akong bumasa ng galing ng tao." tapos ngumiti nanaman siya. GHAAD! Lupa! Lupa! Kainin mo na ko now na!

"alright.ill text you later ha? kunin ko nalang number mo okay lang?" Syempre naman! tatanggi ba ko sa grasya? Joke! Pero syempre pamaria clara muna tayo

"here.." binigay ko na ang number ko.

"great,so san ka na niyan? Need a tour? San ba class mo? Hatid na kita." sure!wait hawakan ko lang panty ko, malapit ng malaglag.haha.

"ay,hindi na.Dyan lang yun sa baba.Thank you na lang." lumabas na rin ako pagtapos.Nakakahiya na eh. Mamaya sabihin pa niya type ko siya. Pahamak tong ngiti ko eh.Parang binabayaran ng colgate.Ayaw matanggal. Nastroke na ata. Para akong sirang pasayaw sayaw sa loob ng elevator at hindi pa rin natatanggal ang malaadvertiser kong ngiti.


US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon