Our own fairytale

385 12 6
                                    

[Mhasey's POV]

"i fell more for that fake Chasey than the original... at yun ang pinakamasakit tanggapin sa lahat."

feeling ko parang driniball ni Lebron James ang puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko magawang magreact agad. Napatitig lang ako sa kanya. Nang mag sink in na totally s utak ko ang pinagsasabi niya, tumayo ako at tumakbo papuntang tabing dagat. Hindi ko mapigilan ang luha ko sa pagpatak. Gustong gusto kong sabihing minahal ko siya sa mga panahong ako ang pekeng Chasey ng buhay niya, ako ang pekeng mahal niya. Pero sa kalagayan ng kapatid ko ngayon, hindi ko maaatim na agawin sa kanya ang lalaking nagsisilbing oxygen niya to continue living her painful life.

"Wait, I'm sorry.Please, I'm sorry." hinabol niya ako at niyakap ng patalikod. Pinipilit kong alisin ang pagkakayakap niya sakin pero masyado siyang malakas. Humahagulgol na ako at siya rin ay umiiyak na. Marahil naintindihan niya rin kung gaano kahirap ang sitwasyon para sa aming dalawa. Oo mahal namin ang isa't-isa. Pero hindi lahat ng nagmamahalan, dapat magkatuluyan,Minsan kailangan mong iwanan para walang ibang masaktan.

"JM hindi tama to eh. Masasaktan siya. At hindi ako papayag na masaktan siya." humahagulgol kong sabi. Ihinarap naman niya ako sa kanya at hinawakan ang mga kamay ko. Unti-unti niya itong inilagay sa mga pisngi niya. Ang iyak niya, unti unti ding naging hagulgol. Tinititigan niya lang ako gamit ang luhaan niyang mga mata.

"Ako rin. Hindi ko kaya. Kasi sa paningin ko, siya parin si Chasey. Ang babaeng mahal ko, ang nag iisang taong hindi ko kakayaning mawala sa buhay ko. Pero Mhasey, ito, ito hindi ko kayang lokohin eh. Kaya nahihirapan ako." sabi niya saka inilagay ang isang kamay ko sa dibdib niya. Napakasaklap mapaglaruan ng tadhana. Siguro nga ito ang kapalaran namin. Ang masaktan, magmahal, at muling masaktan. Para kaming nasa isang pelikula na ang takbo ng istorya, parepareho kaming pinapatay ng isang serial killer...Ang Tadhana.

kinuha ko rin ang isang kamay niya at inilagay sa tapat ng puso ko habang ang isa ay nasa pisngi niya, pilit pinupunasan ang luha niya.

"Minahal kita. Impokrita ako kung sasabihin kong hindi kita minahal sa mga panahong nakasama kita.Mahal kita until now, and if this lifetime isn't for us, huwag kang mag-alala, kasi this heart, will still keep on shouting how much i love you. Patuloy kitang mamahalin hanggang sa huling hininga ng buhay ko, and till the walls of forever break down kund doon tayo magkakasama ng walang taong masasaktan, walang ibang masasagasaan, doon, doon kita hihintayin." hinawakan niya ang mga pisngi ko saka ngumiti habang tumutulo ang mga luha niya. He kissed me on my forehead then whispered "i love you..." saka ako niyakap ng mahigpit. Umiiyak lang kami, trying to take away the pain. Kaso malabo. Impossible. But atleast, mabawasan man lang sana.

Maya-maya, nagsimula na siyang kumanta ng mahina. He lift my head para titigan siya. Pinunasan niya ang luha ko at inilagay ang kamay ko sa batok niya. Then he wrapped his arms on my hips. Nakatitig siya sakin habang kumakanta

[A/N: Please play the video above :) Song: Minsan lang kita iibigin cover by kaye cal]

Mahal pangako sa iyo, hindi magbabago
Ikaw lang ang iibigin ko
kahit ikaw ay lumayo at masaktan ako
Asahan na di maglalaho

he took my right hand at inilapat sa tapat ng puso niya. This moment, was the most perfect moment in my life. kung sana pwedeng i pause ito tapos sisirain na yung remote para hindi na ulit mai play?, kanina ko pa ginawa

Ang pag-ibig ko'y alay sayo lamang
Kung kaya giliw dapat mong malaman....
Minsan lang kitang iibigin
Minsan lang kitang mamahalin
Ang pagmamahal sayo'y walang hangganan
Dahil ang minsan ay magpakailanman....


nakatitig siya sa mga mata ko. Kitang kita ko ang sinseridad sa mga mata niya. He's soul, you can see it through his hazel brown eyes na hindi rin mapigilan ang pag iyak. Kinuha niya ang isa pang kamay ko at hinalikan.

US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon