[Mhasey's POV]
"Ano ba! Ibaba mo nga ko! Ano bang problema mo?" buhat buhat niya ko sa ganoong posisyon hanggang marating namin ang kotse niya. Pagdating namin doon ay pilit niya kong pinasakay sa shotgun seat at kinabitan kaagad ng seatbelt.
"Relax pwede? I won't do this shit kung di hiniling ni Chasey kaya don't act as if you're the looser." Seryoso niyang sabi saka pumunta na sa driver's seat. Napakagat naman ako sa lower lip ko dahil sa sobrang inis. Sumusobra na siya. Halos ipamukha niya saking ginagawa niya lang ang lahat dahil lang sa kapatid ko.
naging tahimik lang kami the sa byahe. Akala ko sa Heart Center ang punta namin pero laking gulat ko nang lampasan lang namin to. Napansin ko na lang na binabaybay na pala namin ang daan papunta sa probinsya ni Manang Remy. Hindi pa rin ako kumibo dahil alam kong babarahin lang niya ako kapag nagsalita ako. Oo nga naman Mhasey, sino ka nga ba para pag aksayahan niya ng panahon? Isa ka nga lang palang impostor. halos maiumpog ko ang ulo ko sa salamin ng kotse everytime pumapasok sa utak ko ang ganoong mga kataga.
Narating namin ang lugar nila Manang Remy ng walang ni isang salitang lumabas galing sa mga bibig namin. Si Manang Remy, agad akong nilapitan at nginitian. Si JM naman, nagmano sa matandang babae.
"Magandang hapon po. Nasan na po siya?" tanong ni JM kay Manang Remy. Sumenyas naman ang matanda na parang may itinuturo
"Nandoon siya sa may tabing dagat. Inakay ni Domeng kanina.Gusto raw niyang lumanghap ng sariwang hangin habang hinihintay kayo." tumango naman si JM saka nagthank you at nagsimula ng maglakad patungo sa sinasabi ni Manang Remy.
"Ikaw rin, pumunta ka na ron, higit kanino man, ikaw ang pinakagugustuhin niyang makita." Sabi niya saka ngumiti at kinuha na ang ilang gamit na nasa loob ng kotse. Sinunod ko naman ang sinabi niya at nagsimula na rin sundan ang daang tinahak ni JM.
Pagkarating ko sa tabing dagat, nakita ko si JM na hinahalikan sa noo ang isang babaeng may nakabalot na tela sa balikat. Nagulat ako nung humarap ang babae sakin at ngumiti. Halos maiyak ako sa nakita ko.
Si Chasey.
Ang pinakamamahal kong kapatid na lumalaban sa karamdaman, eto ngayon, nandito sa tabing dagat. Bakas sa mukha niya ang hirap at sakit na nararamdaman. Kitang kita sa namumutla niyang kompleksyon ang matinding sakit na pilit niyang nilalabanan para kay JM at marahil, para din sa amin.
Napatakbo ako sa kanya at napayakap. Ramdam na ramdam ko ang pilit niyang pagbibigay ng lakas na yakapin din ako kahit nanghihina ang katawan niya.
"ang daya daya mo. Bigla mo na lang akong iiwan dun alam mo ng ikaw lang ang kakampi ko." pigil ang iyak niyangsabi habang nakayakap sakin. Napakalas naman ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang maputla niyang mga pisngi. Hindi matigil sa pagbuhos ang luha ko.
"Im sorry, akala ko kasi okay ka na kapag kasama mo na siya." nginitian niya naman ako saka kinurot ang ilong ko.
"Sino bang nagsabi sayo niyan? More than anyone else, mas kakailanganin ko pa rin sa tabi ko ang bestfriend slash twin devil ko. Mahal kita kaya nasaktan ako nung bigla ka na lang nawala." hindi na niya napigilan ang pag iyak habang binabanggit ang mga katagang yon. Ramdam ko ang sobrang pagkamiss niya sakin kaya naguilty ako dahil sa katangahan ko. Niyakap ko ulit siya saka bahagyang tumawa dahil sa sinabi niya.
"Konti na lang kikiligin na ko sige ka." natawa rin siya sa sinabi ko. Maya-maya, bigla siyang napahawak sa dibdib niya. Agad naman siyang binuhat ni JM pabalik sa bahay pero may nakaseparate pala silang tutuluyan. Isang bunggalo house na nasa harap lang mismo ng pampang.
Ihiniga siya ni JM sa kama saka hinaplos haplos ang ulo niya.
"Pahinga ka na muna Babe, wag mong pwersahin ang sarili mo. Ako na ang bahalang magsabi kay Mhasey ng gusto mo okay?" tumango tango lang siya sa nobyo. Nilapitan naman siya nito at hinalikan sa noo.
"Mahal na mahal kita Chasey." sabi nito saka hinawakan ang kamay niya at hinalikan ang likuran ng palad niya.
"i love you more."
lumabas na ako ng kwarto at dumiretso ulit sa pampang. Umupo lang ako sa buhanginan. Halos magtatakip silim na rin kaya maganda ang view sa lugar. Pinagmasdan ko na lang ang dahan dahang paglubog ng araw habang dinadama ang malamig na ihip ng sariwang hangin. Maya-maya, biglang tumabi sakin si JM.
"She requested to stay here for good. Ayaw na raw niya ng heavy drama sa loob ng apat na sulok niyang hospital room." pagkukwento niya saka pumulot ng maliit na batong buhay at ibinato sa tubig. Alam kong naiiyak siya pero pinipigilan niya.
"Bakit? Hindi ba delikado para sa kanya?" yumuko siya dahil sa tanong ko. Maya-maya, unti-unti nang nangilid ang luha sa mata niya.
"Mhasey, araw na lang ang bibilangin natin." pagkasabi niya nun bigla na lang siyang napahagulgol. Halos kagatin na niya ang labi niya para lang mapigil ang pag iyak. Nakatitig lang siya sa papalubog na araw habang napapasabunot sa ulo. Halos manlumo naman ako sa sinabi niya. Di ko namalayang unti-unti na palang tumutulo ang mga luha ko.
"w-what? No. Nagbibiro ka lang diba? JM gumaganti ka lang." tanging iling lang ang naging sagot niya sakin. Out of the blue napatayo ako. gusto kong manakit, gusto kong manampal, gusto kong magmura. Walang mapaglagyan ang sakit na nararamdaman ko.napaluhod ako at napadakot ng buhangin. halos pisain ko ito sa palad ko. nararamdaman ko ang hapdi ng ilang matulis na piraso ng corals na tumutusok sa nakasaradong palad ko pero hindi ko magawang umaray doon.
"ano pa bang gusto mo ha! kinuha mo na nga yung lalakeng mahal na mahal ko ngayon pati ba naman kapatid ko? bakit ba ako na lang ng ako ang pinagtitripan mo? ano bang meron sakin! hindi ako masamang tao!utang na loob maawa ka naman sakin!" hindi ko na napigilan ang sarili ko. nagsisisigaw na ako doon. halos mapayakap na ako sa buhanginan sa sobrang pagkawala ng lakas ko dahil sa lungkot. maya-maya naramdaman ko na lang ang mga braso ni JM na pilit akong binabangon. ihinarap niya ako sa kanya saka hinawi ang buhok na nasa parteng mukha ko. pilit niyang pinupunasan ang mga luha ko gamit ang hinlalaki niya."
"hindi ako masamang tao.. di ako masamang tao." emosyonal kong sabi sa kanya at patuloy parin sa pagtangis.
naramdaman ko na lang ang init ng yakap niya pagkatapos kong sabihin yun.
"shhhh.. tama na. oo,hindi ka masamang tao. tahan na." pagpapaalo niya sakin. wala na halos mas sasakit pa sa nararamdaman naming dalawa ngayon. nanatili na lang kami sa ganoong posisyon, trying to mend each other's hearts. sa mga oras na to, wala kaming ibang magiging kakampi sa pagharap sa pinakatraydor st mapaglarong kalaban ng lahat...
ang TADHANA.
BINABASA MO ANG
US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]
Roman pour AdolescentsA story of true love and how sacrifices changed everything. Iisang mukha, dalawang puso ng modernong kababaihan na handang ibigay ang lahat, at isang lalaking magpapabago ng takbo ng buhay nila. Ikaw?Hanggang saan ang kaya mong ibigay? Are you willi...