[JM's POV]
"Babe, sige na kasi. isang buong maghapon lang tayo dun. Promise!" parang walang karamdaman tong si Chasey kung mangulit. Halos di niya na ako tinantanan.
"Ayoko. Delikado, tignan mo masyadong malamig ang simoy ng hangin sa dagat. Panigurado maya maya lalakas na ang alon." nagpipilit siyang puntahan namin yung maliit na isla 15 minutes away sa pampang. Naikwento kasi nila Manang Remy at Tatay Domeng na madalas kami dati doon ni Mako,ang bunsong anak nila Mamang at tatay Domeng. Mas lalo pa siyang nangulit nung nalaman niyang meron kaming tree house doon na ginawa mismo nila Tatay Domeng at ng mga kabaryo nila.
"Hmp! Ganyan ka naman eh! Ayaw mo kong pagbigyan sa mga gusto ko! Palaging ikaw na lang ang masusunod. Papano na lang kung mawala na ko, edi hindi ko na napuntahan yun?" nagtatampo nyiang sabi saka tumalikod sakin. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko dahil sa bahagyang kirot na naramdaman ko dala ng sinabi niya. Hay, ano pa nga bang magagawa ko? Paniguradong hindi rin siya titigil pag di ko pinayagan. At siguradong tatakas lang siya pag pinilit ko ang gusto ko. Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga bago nagsalita.
"Oh sya, sige na sige na. Mag ayos ka na dyan. Ipapahanda ko lang yung bangka at pagkain kay Mamang at Tatay. Pero Chasey, im warning you! Bawal na ang makulit doon. Masyadong malayo sa pampang!" Seryosong seryoso kong abi sa kanya. Para naman siyang batang tuwang tuwa sa sinabi ko.
"Yes sir! Dali na punta ka na! Damihan mo yung pagkain ha? Malakas kaming kumain ni Mhasey." sabi niya saka ako tinulak tulak papalabas ng bahay. Napailing na lang ako at natawang mag isa.
"Ibang klase ka talagang babae ka." sabi ko na napapakamot na lang sa ulo.
Nang maihanda na namin ang lahat, nasa tabing dagat na ako, si mamang, si tatay domeng, at si Mhasey.
"Mhase, asan kambal mo?" tanong ko kay Mhasey na parang bagong gising lang.
"Eh sabi niya mauna na raw ako dito eh. Susunod na daw sya." Papungay pungay pa ang matang sagot niya.
Maya-maya, dumating si Mako at may dala dalang kumot at unan.
"Mako para saan yan?"
"kuya, sabi ni ate Chasey, mauna na daw kayong dalawa ni ate Mhasey na ihatid ni tatay sa puyupoy(pangalan ng maliit na isla). Pakibitbit na raw ang mga pagkain pati itong unan at kumot. Susunod daw kaming apat doon." sabi ni Mako saka iniabot sa akin ang unan at kumot. Ang babaeng yun talaga, siguro nahihirapan nanamang humanap ng isususot.
"oh siya, halina Mhasey, aalalayan na kita sa pagsakay. Ikaw JM ikarga niyo na ni Mako dito sa bangka lahat ng dadalhin para wala ng ibang magpapabigat sa bangka mamaya." utos ni Tatay Domeng. Tumango naman kami ni Mako saka dali daling ikinarga ang mga pagkain at ilang gamit sa bangka. Inalalayan naman ni tatay si Mhasey. Nang okay na ang lahat, ihinatid na kami ng matanda sa isla.
"Babalikan ko lang sila doon. Mabuti pa doon na kayo maghintay sa tree house JM." paalam ni Tatay Domeng saka muli nang sumakay sa bangka at nagsagwan na pabalik sa pampang kung nasaan sila Mamang Remy.
"Let's go? Mamaya pa ang mga yon panigurado." aya ko kay Mhasey. Tumango naman siya sakin.
BINABASA MO ANG
US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]
Teen FictionA story of true love and how sacrifices changed everything. Iisang mukha, dalawang puso ng modernong kababaihan na handang ibigay ang lahat, at isang lalaking magpapabago ng takbo ng buhay nila. Ikaw?Hanggang saan ang kaya mong ibigay? Are you willi...