He changed

342 24 0
                                    

[JM's POV]


"you've made the biggest mistake in your life JM.."


yan ang paulit ulit na patuloy na tumatakbo sa isipan ko.

Hindi dahil sa nagpakatanga ako, hindi dahil sa umasa ako, lalong hindi dahil naniwala ako..




kundi dahil,



NAGMAHAL AKO..



dahil kung hindi ko ginawa yun, hinding hindi ako aasa, hinding hindi ako maniniwala.. at higit sa lahat, hindi ako magmumukhang tanga.




kahit anong pilit kong tanggalin siya sa isip ko, hindi ko parin magawa.

Nananaig parin yung sakit na naidulot niya. At kahit anong subok ko, hindi ko kayang burahin sa puso ko ang bawat detalye ng pagkatao niya.



"minahal kita..." nasambit na lang ng labi ko habang nakatitig sa kisame. pinunasan ko ang pisngi ko sa pag aakalang may tumulo nanamang mainit na likido galing sa mata ko, pero nagkamali ako..


sa pagkakataong ito, wala nang luhang bumubuhos, natawa ako bigla.



"hayy, pati mata ko napagod ng maglabas ng luha ah. tama na nga kasi JM! tandaan mo kung sino ka.. Ikaw si Jan Marcius Arquero at walang pwedeng manakit ulit sa damdamin mo.. Kahit sino, no exceptions."



parang baliw kong kinausap ang sarili ko.

tama, siguro nga baliw na ko.




"nabaliw na ko dahil sa sobrang sakit na binigay mo Fortalez.. pinapangako ko, wala na ang JM na iniwan mo."



[Emman's POV]



"natatakot ako sa naging epekto sa kanya ng ginawa natin Kiehl. Ilang araw na siyang hindi nagpapakita. Di rin siya macontact at sabi ni Manag Remy, panay daw ang labas niya tapos madaling araw uuwi halos gumapang na sa sobrang kalasingan. Ang masakit pa, ibat-ibang babae daw ang inuuwi gabi gabi"



halata ko ang pagkastun ni Kiehl dahil sa binalita ko.

maya-maya, unti unti nang maririnig ang mga ipit na hikbi mula sa kabilang linya.


"Hello?ayos ka lang ba? Kiehl? Please answer me"


"ahm..hello? ah yeah, im okay. Medyo mainit lang, ah,wait lang ha?okay lang ba sa susunod na lang ulit tayo mag-usap?M..may gagawin na kasi ako.Sige Bye!"

US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon