[Chasey's POV]
Halos matampal ko na ang mukha ko sa sobrang pagkairita sa mga naiisip ko. Aysh! kasi naman yung lalakeng yun! Idagdag pa yung sinabi ni Mhasey sa akin dati, lalo tuloy nagulo ang utak ko. Pero wait, diba ang sabi niya kay Emman kanina ay wag na siya ulit papaselosin ni Emman dahil bubugbugin niya na siya?
Ibig bang sabihin nagselos nga siya?
Tapos kung nagselos siya ibig bang sabihin nun,
GUSTO NYA AKO?
Hindi ko namalayang napangiti na pala ako sa naiisip ko pero bigla ring nawaa nung nakarinig ako ng tunog ng cephone galing sa labas lang mismo ng kusina. Sino naman kaya yun?
Naglakad ako papunta sa pintuan pero bago pa man ako makalabas, parang nanlumo na ako sa narinig ko.
"Hello Yassi.." Kahit hindi ko na tignan kung sino yung nasa labas ng kusina, alam na alam ko na. Nalungkot ako bigla. Magkausap sila? Ibig sabihin may communication pa sila? Ibig sabihin,
May chance pang maayos nila ang relasyon nila?
Pakiramdam ko umiinit ang giid ng mga mata ko. BAkit ganito? Wala namang sibuyas dito, wala naman akong sakit, wala naman akong sugat, pero bakit
ANG SAKIT?
Ang sakit ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit.
"Okay, I'll be there in Ten minutes. Hintayin mo lang ako dyan." Lalo pang kumirot ang puso ko dahil sa muling narinig ko. Nung naramdaman kong nakaalis na siya sa labas ng kusina ay lumabas na rin ako pero nakita ko siya sa sala na kausap si Gelo.
"Oh bro san lakad mo?" usisa ni Gelo pero parang nagmamadali siya dahil panay ang tingin niya sa wrist watch niya.
"Dyan lang. Something important. Magpractice na kayo, wag nyo na akong hintayin." Sagot na na lalakad na sana ulit pero biglang lumabas galing sa practice room si Emman.
"Something more important than our practice?" Nakahalukipkip ang kamay na tanong ni emman na halatang ikinairita ni JM.
"Yes. Way more important." Iritadong sagot niya saka tuluyan nang umalis.
"Tss. Yung lover boy, umarangkada nanaman. Langya, lakas pa rin ng tama kay Chua nun ah." My heart totally broke into pieces dahil sa sinabi ni Gelo. Napailing iling nalang sina Emman dahil sa sinabi ni Gelo. Tama naman siya, halatang hindi pa siya totally nakakamove on kay Yassi.
Naglakad ako papunta sa pool area. I need some air right now. I feel exhausted though halos wala pa naman akong ginagawa sa araw na ito bukod sa pagtugtog ng violin at piano.
"Hindi mo bagay ang nakabusangot. Para kang may sapi." Sino pa nga bang magsasabi niyan? Edi si Em. Nginitian ko lang siya saka ko inilublob ang mga paa ko sa tubig. Nakakarelax ang lamig ng tubig. Ganun din naman ang ginawa niya matapos niyang tumabi sa akin saka inilislis ang pantalon.
"Sa tingin ko tama si Gelo. Mahal pa nga ni JM si Yassi. Bakit kaya hindi natin siya tulungan na makipagbalikan kay Yassi?" out of the blue bigla ko nalang nasabi. Napatingin tuloy siya sa akin ng may halong pagtataka.
"Bakit pa? Hindi na kailangan. Nakamove on naman na si JM." bigla nalang nagbago ang moodni Emman pagkatapos niyang sabihin yun. Bakit kaya?
"Parang hindi naman! Bakit pala ganun siya pag may nakikita o naririnig siyang nakakapagpaalala kay Yassi?"
"Tanggap na ni JM na wala na sila matagal na, but the sad reality is, its not the goodbye that hurts but the flashbacks that follow." Napatango tango ako dahil sa sinabi niya. Ganun pala yun, hindi ko naman kasi alam! Maya-maya, bigla niya akong tinignan bago siya ulit nagsalita.
"Sad to say, ikaw ang nagiging sanhi ng flashbacks." deretsahang sabi ni Emman."Bakit naman ako?" nagtataka kong tanong. Anong kinalaman ko dito?
He released a deep sigh saka tumungo. "Kasi madami kayong similarities ni Yassi."
Hindi na ako muling nakasagot I've ran out of words to say. Kaya naman pala ganun siya sa akin! Ang sama niya! Malay ko bang pareho kami ng ex niya?
Halos murahin ko na siya sa isip ko pero bigla ulit nagsalita si Emman.
"That's why you have the power."
"Power?" Naguguluhan kong tanong. Bigla namansiyang napasmirk bago muling nagsalita.
"The power to make or break my friend."
BINABASA MO ANG
US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]
Teen FictionA story of true love and how sacrifices changed everything. Iisang mukha, dalawang puso ng modernong kababaihan na handang ibigay ang lahat, at isang lalaking magpapabago ng takbo ng buhay nila. Ikaw?Hanggang saan ang kaya mong ibigay? Are you willi...