the last letter she wrote

425 17 4
                                    

[JM's POV]

bumubuhos na ang malakas na ulan. Nagsialisan na rin ang mga taong dumalo sa libing ni Mhasey. sila Emman, pilit na akong inaaya pauwi pero hindi ako matinag sa pagtayo sa harap ng puntod ng babaeng mahal ko. Hawak hawak ang puting rosas sa ilalim ng ulan, bumuhos nanaman ang mgaluha ko. Napaluhod ako sa harapan ng puntod niya.

"Mhase hindi ko kaya. Hindi ko alam pano magsisimula ng wala ka." humahagulgol kong sabi. Babad na ako sa malamig na tubig ulan pero wala akong pakeelam. Gusto ko siyang makasama. Hindi ko kaya ng wala siya. Ramdam ko na ang panlalamig ng kalamnan ko pero ayaw ko parin siyang iwanan dito.

Maya-maya, naramdaman ko ang pagtigil ng isang kotse sa tapat ko. 

"Anak hindi matutuwa si Mhasey sa nakikita niya. LAlong lalo na si Chasey." sabi ni Manang Remy habang pinapayungan ako. PAara naman akong biglang nangulila sa akap ng ina kaya tumayo ako at yumakap sa kanya. Niyakap niya rin ako ng mahigpit habang hinahaplos haplos ang ulo ko.

"Shhh. Tahan na nak, lika na uwi na tayo." pag aya niya sa akin. Para naman akong paslit na sumunod sa gusto niya at pumasok na sa loob ng kotse.

Pagdating sa bahay, pinagpalit ako ng damit ni Mamang. Pilit niya akong pinapakain pero wala akong gana. Hindi na rin ako nagsasalita. Nakayakap lang ako sa unan habang umiiyak.

"I miss you Mhasey." tahimik akong umiiyak. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na wala na siya. PArang kailan lang, yakap yakap ko pa siya. Naririnig ko pa ang malulutong na tawa niya, nadarama ko pa ang pagmamahal niya. Pero ngayon? Sa isang iglap, wala na siya.

Lumipas ang mga araw at mga linggo na hindi ako lumalabas ng kwarto. Ni lumabas mula sa apat na sulok ng kwartong ito ay hindi ko na magawa. Nawalan ako ng gana sa buhay ko. Ang tanging laman na lang ng utak ko ay gusto ko na siyang makasama.

"Jm, nak, lumabas ka naman ng kwarto mo. namimiss ka na namin." nag aalalang sabi ni Mamang Remy sa akin pero hindi ko siya magawang sagutin.

umalis na si mamang na bigo na mapasilayan ako. its been a month pero nararamdaman ko pa rin ang sakit. kaya hindi nila ako masisisi. lumipas ang ilang minuto may kumakatok nanaman sa pintuan.

"ayokong kumain. iwanan niyo na lang dyan sa door." sigaw ko thinking na baka isa sa mga maids lang ang kumakatok pero biglang nagsalita ang gumawa non.

"we-we need to talk." bigla akong natauhan ng marinig ko ang pamilyar na boses. tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto. Pumasok naman siya sa loob.

"hey.. kamusta ka na?" bakas sa boses niya ang pagkailang.

"im-im fine." hinaplos niya ang noo ko. kita ang pag aalala sa mukha niya

"i heard hindi ka na lumalabas. you should go out sometime. Namumutla ka na lalo." bahagya kaming natawa dahil sa sinabi niya pero nawala ang ngiti namin dahil sa kasunod na sinabi niya.

"baka malungkot si Mhasey pag nalamang ganito ang ginagawa mo sa buhay mo." napaiwas ako ng tingin sa kanya. nahihiya ako. nabalot ng katahimikan ang kwarto ko.Maya-maya, may inilabas siya mula sa sling bag niya.

"nabagsak mo daw sabi ni kuya RX nung tumakbo ka papasok ng hospital." halos manlaki ang mata ko ng makita kong cellphone ko pala ang iniaabot niya sakin.

"did you?---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita.

"yeah. I saw the picture. eto din pala. Narecover sa kotse ni Mhasey. Sorry nabasa ko." hindi ko siya magawang tignan. hiyang hiya ako sa kanya. Parang nagmukha tuloy na tinwotime ko silang magkapatid.

US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon