judgements and emotions

280 16 6
                                    

(A/N: please bare with me kung medyo slow update ngayon. kakapanganak ko lang po sa first baby namin kaya medyo di pa full time sa pag upo sa harap ng pc. you know, binat issues. haha. anyway, thank you sa mga magagandang comments guys.. ayylabbyuuu :*)


------------------------------------------------


[Mhasey's POV]


"Mhasey, pumunta ako sa ninewest arena kahapon pero wala ka daw. Meet tayo pwede?"

"hinahanap kita sa arcade at ninewest pero algi kitang di naaabutan.Asan kaba?"

"meet me sa arcade."


walang tigil sa pangungulit sakin sa text si Emman. Tumatawag siya pero hindi ko siya sinasagot. I want to cut all my communications with them.Paraan ko na rin siguro to para maiwasan ang pag iisip kay JM bwhich is hindi naman dapat. Alam kong pumupunta siya sa ninewest dahil nirereport sakin nila RX pero sinabihan ko silang wag na lang sabihing nandun ako. Halos 4 straight days na din siyang pabalik balik dun para mangulit kung nasan ako.


"Good morning Miss Mhasey! May naghahanap po pala sa inyo. Nadoon sa may bleachers." bati sakin ni kuya Jaric. Ang mechanic namin sa ninewest. napakamot naman ako ng ulo dahil sa sinabi niya. Wala talagang balak tumigil ang isang yon.


"Good morning din po.Yung dati parin ho ba kuya? " tanong ko sa kanya saka sumandal sa kotseng inaayos niya.


"Sino doon? Yung kasama mo dito dati o yung isa pang araw araw ding nagpupunta dito?" nagtaka ako sa sinabi niya. Ibig sabihin hindi lang si Emman ang pumupunta para hanapin ako? Pero kung hindi lang siya, sino?


"sige salamat na lang ho, check ko na lang kung sino." sabi ko saka na naglakad papunta sa bleachers.


nasa malayo pa lang ako pero ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. pamilyar sakin ang nakatalikod na lalaking yun. hindi ako pwedeng magkamali, siya yun. Pero anong ginagawa niya dito? bakit niya ko hinahanap?


halos mamanhid ang katawan ko nang makumpirma ko kung sino ang taong yun.



si JM.


nabitiwan ko ang hawak kong helmet dahil sa pagkabigla. aktong tatakbo na sana ako palabas nang bigla niya akong tawagin. halos manlamig ang buong katawan ko.


"Mhasey! We need to talk." naramdaman ko ang yabag ng mga paa niyang papalapit sakin. Lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko. damang dama ko ang mga namumuong pawis sa noo ko.


Pagkalapit niya, hinawakan niya ang braso ko saka ako pilit hinarap sa kanya. Hindi ko magawang tumingin ng diretso sa kanya. Pakiramdam ko, anytime, lalamunin niya ako ng buong buo dahil sa panloloko namin sa kanya.



"hindi pwedeng puro ka nalang tago." lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.


"a-anong ginagawa mo dito? bakit mo ko pinuntahan dito?" halos di ko na magawang alisin ang nginig sa boses ko dahil sa takot.


"Chasey wants to see you." matipid niyang sabi na wala man lang kaemo-emosyon.


"ayoko na pumunta dun. andyan ka naman na. hindi yun mamamatay hanggat nasa tabi ka niya." labag man sa loob ko, pero mas pinili ko na lang na yun ang sabihin kesa amining hindi ko sila kayang makitang magkasama.


"Ganyan ka ba katibay para magawa mong tiisin ang sarili mong kapatid? Grabe, ibang iba talaga ang ugali mo sa girlfriend ko. Ngayon alam ko na kung bakit nagawa mong pumayag sa napakawalang kwentang ideyang magpanggap bilang Chasey. Hindi ka pala talaga marunong makunsensya." damang dama ko parin ang galit sa boses niya pero this time, hindi na guilt ang naramdaman ko kundi galit. isang malutong na sampal ang idinampi ko sa pisngi niya. bumakat ang kamay ko dala na rin marahil ng pagiging maputi niya.


"wala kang alam tungkol sa pagkatao ko dahil yung pekeng Mhasey lang ang nakita mo!" hindi ko na napigilan ang pag iyak ko dahil sa sobrang sama ng loob sa narinig ko. Parang sa isang iglap, napalitan ng galit lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. hindi ko na siya hinintay magsalita. naglakad na ako palabas habang patuloy sa pagbuhos ang luha ko.


I still cant believe he could say that. Kahit sabihin pa na nagawa namin siyang paikutin dahil sa pagpapanggap ko, still, it doesnt give him the authority to accuse me such thing. Hindi man lang niya naisip na hindi ko naman yun gagawin kung hindi dahil sa pagmamahal ko sa kapatid ko, pero ngayon, ako pa tong lumalabas na masama.



"Then prove it to me! ipakilala mo sakin yung totoong Mhasey na dapat ko nga talagang irespeto." napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.Ipakilala ko sa kanya ang totoong ako?Pasensya na pero pagod na akong makiharap sa kanya. Bigla akong tinamad pagdating sa kanya dahil sa sinabi niya tungkol sakin.


it just made me realize how stupid i am to fall for someone like him. Its so easy for him to judge someone dahil lang sa naramdaman niya sa ginawa sa kanya. Hindi ko pa nga talaga siya kilala.

napasmirk ako bago nagsalita pero hindi ko parin siya hinarap. Nakasarado na ang kamao ko sa sa sobrang galit na nararamdaman ko para sa kanya.



"well sorry but i dont think kaya kong ipakilala sayo ang tunay na Mhasey Agatha Fortalez. Hindi ko ugaling ipakilala ang pagkatao ko sa mga taong sarado ang utak at kayang kayang manghusga ng i bang tao base lang sa kung ano ang naramdaman at nakita nila. Kung wala ka ng matinong sasabihin, baka pwedeng umalis kana dito. Pakialagaan na lang mabuti ang kapatid ko." siryoso kong sabi saka nagpatuloy sa paglalakad palabas.


hindi ko maatim na lingunin siya dahil sa sobrang sama ng loob ko. Ni hindi ko na rin nagawang pulutin ang helmet ko na naibagsak ko kanina. Halos malapit na ako sa exit ng maramdaman ko ang papalapit niyang mga hakbang. Pero this time, hindi na kaba ang naramdaman ko, kundi sobrang pagkamanhid dahil sa hindi matanggal na galit ko sa kanya.



maya-maya, bigla na lang niya akong hinatak at kinrga ako ng pabaliktad. nakapwesto ang ulo ko sa likuran at ang bandang pwetan at hita ko ang hawak hawak niya sa harapan.hindi kaagad ako nakarespond sa ginawa niya. buhat buhat niya ako palabas ng ninewest sa ganoong posisyon.


"pasensyahan tayo Mhasey Fortalez, pero sasama ka sakin sa ayaw mo o sa gusto."

US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon