[Emman's POV]
its been three days after the operation.. both of them are still in coma. Pero sabi ng mga doktor, malaki na daw ang progress ni JM at magiging mas madali na for him ang recovery stage..
but on the other hand, si Kiehl naman ang nasa peligro.. May tendency kasi na in any moment, bigla nalang bumigay ang katawan niya.. dahil sa nangyayari kay Kiehl ngayon, I decided na ipaalam na sa mom nya ang totoong nangyayari kaya nandito ako ngayon sa labas ng room ni Kiehl to meet her mom.
"em? ijoh? Diyos ko anong nangyari sa anak ko?" bungad sakin ni tita na halos mapatakbo na papunta sakin..
"im so sorry tita, hindi siya nagpapigil.."
"nasan siya?" sobrang pigil ang luha ng mama ni Kiehl.. I felt so sorry for her love ones..
binuksan ko ang door ng room ni Kiehl at nang makita siya ni tita, bumigay na nga siya.. umiiyak niyang nilapitan ang anak na nasa bingit na ng kamatayan..
i chose to give them theyre private time.. alam kong kahit subukan kong pagaanin ang loob ni tita, wala ding mangyayari dahil sobrang sakit para sa isang ina na makitang nakaratay ang anak..
naisipan kong puntahan muna si JM para siya naman ang kamustahin.. pagdating ko sa labas ng room niya, saktong palabas ang mga nurse at doktors.. Gising na daw si JM..
di ko alam kung matutuwa ba ko or mas kakabahan.. pano kung biglang hanapin niya sakin si Kiehl? what am i gonna tell him? nakaratay yung girlfriend mo sa kabilang kwarto, fighting for her life dahil sa sobrang pagmamahal sayo? siguro kung pwede kong sabihin yun ginawa ko na.. kaso hindi.. kaya katakot takot na kasinungalingan ang dapat kong pagpraktisan..
a bunch of lies that could save him and make him feel better..
"no stress, no depressing conversations, or kahit anong pwedeng makapagpasama ng sobra sa loob ng patient.. He's now in recovery but we can't take chances." bilin sakin ni Dr.HIron
dahil na rin sa utos ng doktor, i decided na saka na lang ibigay ang sobreng pinapabigay ni Kiehl sa kanya.. Sana lang dumating kaagad ang right timing para wala na kong maging cargo de consencia ..
pagpasok na pagpasok ko sa room ni JM, as expected, "nasan girlfriend ko?" agad ang bungad niya..
Its time to make the story believable Em, hayy, i can do this for the best..
"pare naman, ilang araw mo kong di nakita si Kiehl nanaman ang hahanapin mo eh ako nga tong nandito.. tyong naman oh. kasakit ka ng feelings" sabi ko na may pagkabakla ng konti
natawa naman siya sa sinabi ko
"siraulo ka talaga pre.. di nga asan nga siya? gusto ko siya makita"
"ano kasi bro, yung, yung papa niya, diba businessman yun? Eh nagkasakit ata kaya sinundo siya dito ng mama niya.. pupunta ata sila sa papa niya.. pero babalik din daw agad.. ang lungkot nga niya nung nagpapaalam sayo kahapon eh. sayang, late ka gumising eh.. pero gusto mo itext ko nalang.. bilin din kasi niya wala muna daw phone calls, text lang daw muna." wooh, Panginoon, alam kong malaking kasalanan po ito, pero sana mapatawad niyo ko sa pagiging aktor at direktor ko sa sariling istoryang ginawa ko..
"please bro, pakitext naman siya.. pakisabi na miss na miss ko na siya.."
"okay bro, no problem.. makakarating"
buti nalang at naniwala siya sa mga pinagsasabi ko.. tinext ko na rin ang ibang tropa namin at pinaalam na sa kanilang gising na si JM. kaya ng dumating ang mga mokong, may mga dala pang cake, baloons, at mga posters na my nakasulat na "masamang damo ka talaga tyong! welcome back to Earth! PEace!"
nakatulong naman ang kakulitan ng mga mokong para mawala ang pag iisip ni JM kay Kiehl.. nagpaalam na din muna akong may imi meet para mapuntahan ko naman si Kiehl at si tita..
pagdating ko sa room ni Kiehl, sinabi ni tita na nakausap niya na si Dr.Hiron. ililipat daw si Kiehl sa Boston dahil mas advance daw ang mga hospitals dun.. at nang tanungin ko kung kelan, within an hour daw.. naghire daw ng private plane ang tatay ni Kiehl para mapabilis ang pagpunta nila sa Boston.
Grabe, wala ng time para makapagpaalam ang lahat kay Kiehl.. halos ako palang din ang nakakaalam ng katotohanan.. papano na toh?
an hour later
"Mrs. Fortalez, ready na po ang lahat." sabi ng Personal bodyguard ng mama ni Kiehl.. maya maya, ihinanda na nila si Kiehl at inilabas na sa kwarto.. sumama ako palabas pero ng saktong dumaan kami sa harap ng kwarto ni JM, biglang labas naman ni Ryan.
"Kiehl?" gulat na gulat na sabi ni Ryan sabay tumingin sakin.. patay na..
"tol, anong ibig sabihin nito? bakit ganyan agn lagay ni Kiehl? alam naba to ni JM? ano ba talagang nangyayari?" tuloy tuloy na tanong niya
"bro let me explain, pero please wag dito.. baka may makakita pa satin.. sumama ka nalng sa labas, dun ko nalang ipapaliwanag." sumama naman siya sakin at saktong pagkapasok ni Kiehl sa ambulance na maghahatid sa kanya sa airport kung nasan ang plane na magdadala sa kanila sa Boston, inaya ko nalang si Ryan sa isang coffee shop malapit sa ospital.
"ganito kasi yan bro, Kiehl volunteered herself to be JM's heart donor.. pero para hindi naman siya totally mamatay, yung heart ni JM ang pinalit sa kanya" pagpapaliwanag ko kay Ryan
"God. Seriously? ginawa talaga niya yun? How is she?" gulat na sabi ni Ryan
"medyo nasa critical stage bro.. Kaya dinala sa Boston para mas matutukan.. Etong si JM naman, di pa niya pwedeng malaman dahil baka mapano rin siya.. Bro ngayung alam mo na, please, para na rin sa ikabubuti ni JM, mas mabuting wag muna nating ipaalam sa kanya ang totoo."
"sige bro, makakaasa ka." assurance naman sakin ni Ryan.
hayy.. Lord please guide us. I know this is wrong, but this is for the better. Sana lang maintindihan nila kami, lalo na ako..
BINABASA MO ANG
US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]
Fiksi RemajaA story of true love and how sacrifices changed everything. Iisang mukha, dalawang puso ng modernong kababaihan na handang ibigay ang lahat, at isang lalaking magpapabago ng takbo ng buhay nila. Ikaw?Hanggang saan ang kaya mong ibigay? Are you willi...