We're Sisters..

398 27 2
                                    

[Mhasey's POV]


"Kiehl?" sabi sakin nung mala hero na lalaki sa arcade.


nagulat ako. Bat niya kilala sister ko?



"who you?" mataray kong sabi sa kanya saka isinuot ang shades ko.


"wow! magka usap lang tayo sa phone kanina ah? Who you agad" hmmm. pano kaya to? Di ba niya nakikita yung differences namin ni Chase? eh mas maganda kaya ako sa kanya. Dejoke, mas matangkad ako kay Chase. Di ba niya napansin yun.


"teka,bat aprang ang bilis mo naman atang tumangkad? Nakatulong ba yung pagtulog mo ng 3 months? Grabe ah." pffft, medyo kampana pala tong isang to. (tengeleng!tengeleng!)


well kung magka usap pala sila ni Chase over the phnoe kanina, ibig sabihin, alam niya ang about sa twin ko. So pwede akong magpakilala as Mhasey.



"excuse me, hindi ako si Kiehl if you're referring to Chasey Kiehl Fortalez. Im her twin, Mhasey. Mhasey Agatha Fortalez. Got that?"


"ahhh, ikaw pala si Mhasey.. Infairness, maganda ka din. Pero mas mabait si Kiehl tignan." -_- eh kung banatan ko kaya to? Hindi ba siya marunong magbuild ng first conversation? pshhh! Manong pinuri muna sana ako diba?



"fine!" naglakad na ko palayo sa kanya.


"teka wait, may gusto sana akong sabihin kay Kiehl eh. Okay langba samahan mo ko sa kanya?" feeling close to ah. Bubugbugin ko na to eh.


"at tungkol saan?"


"kay JM." para kong nafreeze nung nrinig ko yung pangalan ng ex ng kapatid ko. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa katawan papuntang ulo ko.



"ano naman yang sasabihin mo tungkol dyan sa JM na yan?" tinaasan ko siya ng kilay ko


"sungit mo naman. Basta importante. Gusto mo ba tawagan ko si Kiehl?" hayy. may pinaglalaban siya.


"oo na oo na! sumunod ka sakin!" naglakad na kami palabas ng mall at nag abang ng jeep sa labas.


"jeep? MAgji jeep lang tayo?" arte nito di naman gwapo. (oo na konti! 70%)


"may reklamo? coding ako wala kong dalang kotse. Tsaka baka pag naranasan mong sumakay sa kotse ko at ako nagdrive umiyak ka pa." isa pang hirit nito naku! ewan. mabait naman ako pero PMS ako ngayon. Ka highblood kasi kanina sa Arcade. Malas niya, sa kanya ko natapat pagka HB ko. Ay teka, di ko pa natanong pangalan nito kanina ko pa kasama. Ano toh? Blind date? (-_- feeling ka Mhasey)



"let's go! " yaya ko sa kanya at sumakay na kami sa jeep. after 2 rides, narating na namin ang place na pinagstayan namin ni Chase kasama ang isang maid.

US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon