The other side of the story

345 17 2
                                    

[JM's POV]


I found myself lying in a hospital bed. Sila Eman, Gelo at Ryan, nagsisiksikan sa may couch ng kwarto. Grabe, ang lalakas humilik. Kahit coma ang pasyente magigising sa ingay nila.



Anyway, ang alam ko, ibinangga ko ang kotse ko sa sobrang sama ng loob. Tanga diba? Pero wala eh, kapag sobrang bigat na ng sakit at hindi mo na kaya, may mga bagay ka na talagang magagawa na kahit kailan, hindi mo inexpect na magagawa mo.



Pero kung ganun, edi dapat ang sama sama ng loob ko ngayon. eh bakit parang relieved ang puso ko? Walang pain, walang loneliness, walang -- teka,



"promise hindi na kita iiwan" bigla akong may naalala.

totoo ba yun? Nangyari ba talaga yun? Eh asan pala siya kung hindi panaginip ang yun?




Ewan pero parang bigla nanaman akong nagsimulang mag-alala. Gusto kong malaman kung totoo ba talagang nandito siya nung nag aagaw buhay na ko.. Kung totoong bumalik na siya sakin, Kung totoo ngang nangako siyang di na ko ulit iiwanan.




"Kiehl? Kiehl!!" nagsimula na kong magsisisigaw sa kwarto. Tinatangka kong bumangon pero bigla nalang nagising sila Gelo kaya napigilan nila ako sa pagtayo.



"teka pre, hahanapin ko lang siya. Baka mamaya mawala nanaman yun eh."


"sige na pre higa ka na ulit. Ako na ang bahalang maghanap sa kanya.Nandyan lang yun sa tabi tabi.Kanina nga nandito siya eh."



para naman akong nahimasmasan sa sinabi ni Gelo.



"ahm, dito muna kayo, ako nalang maghahanap sa kanya." sabi ni Gelo saka naglakad palabas ng kwarto. Maya-maya, sabay na nagsitunugan ang mga cellphone ni Ryan at Emman. Nagkatinginan sila bigla..



"Bakit? May problema kayo? " para kasing may tinatago sila sakin. AGAIN!



"Ano ka ba, wala noh! Ikaw kalalaki mong tao puro ka hinala. Dyan nga muna kayo. text ng text si Fevy" sabi ni Ryan saka mabilis na lumabas ng kwarto.



Kami nalang ni Emman ang naiwan sa loob.



Katahimikan. Yan ang nakakabinging naganap sa pagitan namin hanggang sa basagin niya to ng isang malalim na buntong hininga.




"pre, sorry. Akala ko kasi mas makakabuti sayo yung ginawa ko. Pero nung nakita kitang duguan sa loob ng sasakyan mo kagabi, narealize ko kung gano kalaking bagay yung naging parte ko sa sakit na naramdaman mo." seryosong seryoso niyang sabi sakin..

US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon