Reconciliation

297 17 2
                                    

[Mhasey's POV]

simula nung araw na nalaman ni JM ang totoo, hindi na ko ulit nagpakita sa kanila. Alam kong masaya na si Chasey ngayon at mag iimprove siya kahit wala ako sa tabi niya tutal kasama na niya ngayon ang taong rason kung bakit hanggang ngayon, patuloy parin sa pagtibok ang puso niya.

"Hanggang kelan mo balak bugbugin ang sarili mo sa kakarace?" may pagkasarkastiko sa boses si Crayton habang ginugulo ang buhok ko.

"Bugbog? Kelan ba naging bugbog sakin ang larong to? Dude, its normal." 

"You sure? Kasi the last time I checked, never kang nagkamali sa drifts mo. But these passed few days, parang lutang ang utak mo. You're in the game pero ang diwa mo? I doubt. Looks like its busy flying somewhere else." 

sa tinagal tagal na nakasama ko si Crayton, hindi ko pa siya narinig na ganito kaseryoso magsalita. Siguro dahil sanay akong ang maereng side niya lang ang pinapakita niya trying to hide how mad he could be once na mafall sa isang babae. I know he really has the heart for the ladies. Kahit kasi gaano siya kayabang, he knows when and who to respect most especially girls with strong personalities. Kaya siguro magkasundo kami dahil nakita niya yun sa akin.

"Di naman, siguro nangapa lang ako. MAtagal na rin akong di nagrace diba nga?" 

"kung nangangapa ka pala, well maybe im talking to the wrong Mhasey Agatha." Halos hindi ko siya magawang sagutin sa sinabi niya. Is it that obvious? Na kahit fake relationship lang ang pinagsamahan namin ni Jm, still, nagawa niyang baguhin ang bawat parte ng pagkatao ko. Parang sa isang iglap, parang di ko na kilala ang sarili ko.

"You know what? Sometimes you have to tell what you feel even how afraid you are. Kasi mas maganda na nailabas mo kesa naman sa magsisi ka kapag naging huli na ang lahat. Pano? Iwan muna kita dito kay Trapsi. May date pa ako with Margaux." pabiro pero makabuluhang sabi niya sakin saka kumindat at naglakad na palayo.

tama siya. Pero sa mga oras na to, napakaimposible para sakin na magkaroon ng lakas ng loob para sundin ang payo niya. hindi dahil takot ako sa rejection. Kundi dahil takot akong masaktan ko ang kapatid ko.

"Kiss Margaux for me ha? Tell her how much I miss her. Ill visit her soon." sigaw ko nalang dahil medyo nakalayo na siya sakin. Buti pa si Crayton, meron siyang anak na niyayakap everytime nangangailangan siya ng lakas ng loob. Kahit iniwan sila ng mommy ni Margaux, he still managed to raise his child alone at walang ibang babaeng nagdaan pang muli sa buhay niya.



"Trapsi baby, mukhang ikaw na lang talaga ang makakapower hug ko sa mga oras na to ah.Wag mo kong iiwan ha?" pabiro pero puno ng emosyon kong sabi habang hinahaplos haplos ang bumper ng kotse ko. Hindi ko na halos namalayan ang pagpatak ng luha ko.



Maya-maya, nakarinig ako ng mga sigawan. Parang nag aaway na mga babae. Hinanap ko kung san nanggagaling ang mga boses hanggang marating ko ang CR malapit sa bleachers.

"We all know kung gaano kabitch yang dugong dumadaloy sa ugat mo!" sigaw ng isang babae. Its one of the flag girls kapag may race. Apat sila, yung dalawa hindi ko pa nakita before. Nakapalibot sila kay Shalee. Maya maya, sabay sabay nila syang sinabunutan. Halos umakyat lahat ng dugo ko sa ulo nang makita ko yun.

"Punyeta! Bitiwan nyo yan oh ipapakaladkad ko kayo sa racers dito?" sigaw ko saka lumapit sa kanila. Halatang nagulat silang lahat. Halos  manlaki naman ang mata ni Shalee nang makita niya kung kanino galing ang boses.

"Wow, so tag team na kayo ngayon? Eh pareho lang kayong walang binatbat! Pareho kayong mang aagaw." halos magpanting ang tenga ko sa sinabi niya kaya napatitig lang ako ng sobrang sama sa kanya.

US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon