Part 7:
[Chasey's POV ]
"Dyan ka sa kabila. Ako dito. FYI! off-limits ka dito! Bawal ang virus na gaya mong pumasok sa teritoryo ko." Singhal niya sa akin pagdating sa bahay niya.
"wow!parang gusto ko namang makita yang makalat mong base camp!" Nangunot ang noo niya.
"base camp? Wala bang kwarto sa bahay niyo at feeling mo battle ground tong napuntahan mo?"
"as if namang hindi? Eh ikaw ang unang nagtawag ng gyera no kaya wether you like it or not, nasa gyera na tayo!"
Akala ata niya uubra siya sakin. best in bullying and most outstanding in kalokohan ata ang major awards ko from kinder to high school.Di sya uubra sa lawak ng imagination!
"fine! Dyan ka na nga muna. Mahawa pa ko sa kaweirduhan mo. Itulog mo lang yan oh kaya ikain mo ng magkalaman ka naman.. Mukha ka ng baseball bat, sa leeg na lang ang shape." aba't! ang kapal naman talaga! Tawagin ba naman akong baseball bat? Excuse me! hindi porket hindi ako revealing manamit wala na kong shape!
"well, kung ako baseball bat, ikaw wala paring makakaagaw sa titulo mong hari ng labanos na bulok!Hmp!" pumasok na ko sa kwartong sinasabi niya saka padabog na sinara ang pintuan.
"ijah? Pwede ka bang makausap?" narinig kong sabi ng isang matanda habang kumakatok siya. pinagbuksan ko siya at bumungad sakin ang nakasmile niyang mukha. Aww, namiss ko tuloy ang granny ko.
"hello po! sorry po sa nangyari kanina. Yang apo niyo naman po kasi eh!" oo may pinaglalaban ako kaya todo sumbong ako
"kayo talagang mga bata.Aso't pusa. Hindi ko siya apo, ako ang yaya niya simula ng umalis ang mama niya para magtrabaho sa ibang bansa. Tawagin mo nalang akong Mamang Remy" kaya naman pala siya ganun. yaya lang ang meron siya. How sad. Pero, hindi parin ako naaawa. Galit parin ako. GAlit! galit!
"oo nga pala, kumatok lang ako para magpaalam at magbilin sayo. Uuwi muna ako sa amin. Magbibilin lang ako ng ilang bagay sayo bago ako umalis mamaya.Sabi ni JM, ikaw daw ang bagong yaya niyang papalit muna sakin habang wala ako" What? The Major F? Yaya? Sa itsura kong toh yaya daw niya ko? Hindi lang sa semento gawa ang mukha nun ah! Bwisit talaga.
"una, bawal sa kanya ang mga mafats na pagkain. Kailangan kung may kakainin man siyang mafats, dapat nakaready ang juice niya. Sabihin mo lang sa kahit sino dun sa dalawang katulong na iready ang juice ni JM. Alam na nila yun." alright, marami akong mapupulot dito para gawing impyerno ang buhay niya.
"pangalawa, bawal siyang mapuyat. Make sure na naka-off ang ilaw ng kwarto niya kapag nakatulog na siya. Hindi niya yun pinapatay pero pag nakatulog na siya, kailangan mo yung patayin para maging mahaba ang tulog niya." siguro takot siya sa mumu! bakla ata to.
"at ang pinakamahalaga sa lahat, wag na wag siyang gagalitin, sobrang iinisin o kahit ano pa mang nakakasama sa loob niya. Kung hindi katapusan na ng alaga ko." talagang katapusan na po niya.. Dahil gagawin ko to lahat. haha
"wag po kayong mag-alala, ako po ang bahala sa kanya. Sisiguraduhin ko pong masusunod lahat ang bilin niyo.
"salamat ijah.. oh siya, gagayak na ako at mahaba pa ang magiging byahe ko mamaya. Mag ingat kayo rito. Tumawag ka sa akin kung magkaproblema man." tumayo na ang matanda saka lumabas ng kwarto.
S? Ano kayang mauuna sa listahan ko? Hihi! excited na ako sa mga pwedeng mangyari! Mehehe!
Imagination:
"Ano ka ngayon? Sige kain pa! Kapag hindi mo kinain yan hindi ko bubuksan tong ilaw! Nye-nye-nye-nye-nye!"
"Wag! Tama na! Ibukas mo na yang ilaw! B-baka nandyan na yung multo! Parang awa mo na!"
"Wahahaha! Hinde! Hindi ko to bubuksan! nyahahaha!"
-end of imagination-
Mehehe! Mukhang masaya yun!
Hintayin mo lang! makaalis lang si mamang Remy!
Magiging doble pa sa impyerno ang buhay mo!
.
.
.
.
[JM's POV]
"Nice one, okay let's take a break. Ate Karen pakidala na dito yung miryenda." Utos ko sa isang katulong saka tamad na binagsak ang katawan sa isa sa mga love seat. Nagiging maganda ang mga practice namin lately. Hindi ko alam kung dahil ba sadyang magaling lang na composer si Chasey o dahil tuwang tuwa yung tatlong mokong sa kanya kaya alive na alive sila.
Ipinikit ko muna ang mata ko. Naramdaman ko naman ang paglapit ni Emman sa tabi ko, how'd I knew? Siya lang naman ang nag-iisang may pabangong f-35 sa amin, tss. Bakla!
"Pre, ano? Interviewhin ko na ba para sayo?" napatingin tuloy ako sa kanya.
"Ano nanamang pinagsasabi mo Reynes?" Iritado kong tanong saka kumuha ng juice sa kalalapag lang na miryenda sa mesa.
"Sus! Kunwari ka pa! Makakapagsinungaling ka sa lahat pero hindi kay Lance Emmanuel Reynes! Yow, im the man kaya chill ka lang dyan pre, lemme handle this." Mayabang na saad niya saka tinapik ang likod ko habang may malaking ngisi sa mukha. Ano nanamang naisipan nitong fortune teller na to?
Ininom ko na lang ang juice habang pinagmamasdan silang apat na nagkukumpulan sa isang couch sa kabilang dulo ng music room.
"Chase, pwede magtanong?" Panimula nung gago. Nagtagumpay naman siya dahil naidivert ang atensyon ni Chasey sa kanya.
"Ano yun Em?" Ibinaba ni Chasey ang flute niya sa kaha nito saka itinuon ang buong atensyon kay Emman. Sina Gelo at Ryan naman, nakichismis na rin. Tss!
"Kailan ka pa dito sa Pinas?"
"Ah, about four months now. Why?"
"Wala naman. Pansin ko kasing magaling kang magtagalog. Lumaki ka ba dito?" Infairness, magaling sumegway si Reynes. Hmmm.
Tahimik lang akong nkikinig. Syempre pasimple lang kunwari abala akong magreview sa mga kanta namin habang umiinom ng juice.
"Nope! Actually ngayon palang ako ulit nakauwi dito sa Pinas eh pero tagalog kasi ang language na ginagamit ng mommy at daddy ko pati sister ko."
"Eh kelan yung huling uwi mo dito? Last year ba? Nagpunta ka ba sa Batangas? Nainlove ka ba dun?" Halos maibuga ko lahat ng juice na iniinom ko dahil sa sunod-sunod na tanong ni Emman. Uubo-ubo akong tumalikod sa kanila.
"Relax pre! Napaghahalata ka eh!" Pang-aalaska nanaman ni Emman. Tss!
"Manahimik ka! Baka gusto mong ibalik kita sa tyan ni tita Luz!" Tinaas naman niya ang dalawang kamay niya sign ng pagsuko pero ngingisi ngisi parin ang gago saka muling binalik ang atensyon kay Chasey. Sinubukan ko nalang ulit uminom ng juice para mawala ang pag-ubo ko.
"Nah! Chill! One at a time, mahina ang kalaban!" Natatawang sabi ni Chasey. "Okay, kailan huling uwi ko dito? last year first and last, nung golden wedding anniversary ng grandparents ko, Nagpunta ba ako ng Batangas at nainlove ba ako? Hmmm..." Tutok ang tatlong mag-abang sa sagot ni Chasey sa huling tanong. Maging ako napatigil sa apg inom at di namalayang nakatitig na rin ako sa kanya.
"Nope, I've never been in that place and I never fell in love."
BINABASA MO ANG
US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]
Teen FictionA story of true love and how sacrifices changed everything. Iisang mukha, dalawang puso ng modernong kababaihan na handang ibigay ang lahat, at isang lalaking magpapabago ng takbo ng buhay nila. Ikaw?Hanggang saan ang kaya mong ibigay? Are you willi...