moment of truth

312 18 8
                                    

[JM's POV]


"Dalhin mo ko sa girlfriend ko. Sa tunay na girlfriend ko." sabi ko sa kanya saka naglakad na pabalik sa villa. Dinig na dinig ko ang pag iyak niya pero sa mga oras na to, hindi ko maatim na lapitan siya. Pakiramdam ko sobra akong niloko ng mga taong pinagkakatiwalaan ko.




pagdating ko sa villa, agad kong inayos pabalik sa bag ang mga gamit namin. Nadatnan niya akong halos tapos na sa pag aayos. Hindi ko siya magawang tignan sa mata. Parang sa isang iglap hindi ko na kilala ang taong kanina lang, mahal na mhal ko pa.




"Let's go. Tumawag na ko sa manager ng resort. May nakaready ng lantsa sa pampang para ihatid tayo sa main land." hindi ko kayang tanggalin ang galit sa boses ko. Lumabas na ako at nagsimula ng maglakad papunta sa sinasabing lantsa na gagamitin namin. Naramdaman ko naman ang dahan dahan niyang pagsunod.




PAgdating namin sa mainland, agad kong ipinasok ang mga gamit namin sa kotse. Siya naman, sa may back seat umupo. PUmasok na ako sa driver's seat at mabilis na pinaandar ang kotse.



"Sa Heart Center." matipid niyang sabi habang nakatitig sa labas ng sasakyan. Heart Center? Bakit sa heart center? gusto ko siyang tanungin pero nung tignan ko siya sa salamin, nakita kong ipinikit niya ang namamaga niyang mata. Ramdam ko ang labis na lungkot niya pero wala akong kaamor amor sa kanya sa mga oras na ito.



ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa daan. Narating namin ang heart center ng wala man lang nagsasalita samin. Nauna siyang lumabas ng kotse at dumiretso sa loob ng ospital. Nakarating kami sa 3rd floor. Alam ko malalalang case ang nakaconfine sa area na ito dahil minsan din akong napunta dito nung may sakit pa ako. Sa harap ng isang kwarto doon, nakita ko si Ryan, Gelo at Eman. Kitang kita ko ang gulat sa mga mukha nila ng makita nila akong paparating.



"Bro, magpa-" hindi na nila naituloy ang sasabihin nila nung itulak ko sila paalis sa pintuan nung kwarto. Pumasok ako dun.



Halos manlumo ako sa dinatnan ko.




Si Chasey... Ang putla putla ng itsura niya. Pumayat siya lalo. Idagdag pa ang bonet na suot niya.



Nakita ko rin ang gulat sa mukha niya.


"B-babe?" nanghihina niyang sabi. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napaiyak na ko sa sobrang awa. Nilapitan ko siya saka niyakap ng mahigpit. Hindi na rin niya napigilan ang pag iyak niya. hinaplos haplos ko ang ulo niya pero napalakas kaya natanggal ang bonet niya. Tumambad sakin ang lagas lagas niyang buhok. Napayuko naman siya saka inagaw sakin ang bonet at isinuot ulit ito sa ulo niya. Lalo akong naawa sa kanya nung napansin kong nahiya siya sa itsura niya.

US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon