[JM's POV]
She was born and grew in Boston. Studied in the top University there.Base sa source ko, ang tatay niya ang isa sa biggest supplier ng food supplements. She was also known in her high school days as "the melodist". Pagki-kwento ni Emman.
The melodist ha? So siya pala ang tinutukoy ni Yassi na threat sa banda nila. I never expected this to happen. Ang mapasakamay ko ang composer na kilala sa tawag na the melodist dahil she never exposed her real identity. She just hid herself on the shadow of her screen name.
"Kilala rin siya as the girl behind the background song of the theatre play Lady in the Moon." literal na nanlaki ang mata ko sa gulat dahil bukod sa sobrang sikat ng kantang yun, that play was also performed six years ago. Oh shit! Ibig sabihin?
"Yeah. Tama ang iniisip mo pre. She's in eight grade nung nilaunch ang kantang yon." May lahi talagang manghuhula ang ugok na to.
"But she wrote the song when she's ten." lalong nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Tss. Hindi pala basta basta ang babaeng to! Pag nagkataon, siguradong kami ang magchachampion sa taong to.
Pero kasi, aysh! Bahala na!
"Oh saan ka pupunta?" Nakakalokong tanong ni Emman. "Hahanapin mo na ba ang dolly bird natin?" Nakangising sabi ng gago. Yung totoo? Kaibigan ko ba talaga to?
"None of your business."
Untag ko saka lumabas sa practice room. Naglakad lakad muna ako para mag-isip.
*Paratingin mo na siya sige na Lord, para-pap-pap, para-pap, para-paratingin mo na siya*
Natigilan ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses na kumakanta sa CR ng mga babae ng saktong lumabas ako galing sa banyong panlalake. Hindi ko maiwasang mapasilip. Natagpuan ko na lang ang sarili kong humahakbang papasok sa loob ng CR. "Ahhhh!" Sigaw ni Chasey. "Labas! Manyak ka talaga!" Tumakbo siya papasok sa isang cubicle. Nakasando lang siya dahil mukhang natapunan ng kung ano ang blouse niya.
Napatakbo naman ako palabas. Nang lumabas siya, naningkit ang mga mata niya nang makitang nasa labas parin ako at nakasandal sa pader.
"Ano pang ginagawa mo dito?" Singhal niya sakin habang nakapamewang.
" I have a video of you. Kinuha ko kanina." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. "W-what?" Nanginginig ang boses niyang sabi. Napangisi naman ako sa reaksyon niya. Ganyan nga. I have to manipulate you or else, babagsak ang grupo namin.
"Now, para hindi ko to ikalat, I want you to compose for EL. Pero walang makakaalam na ikaw ang composer namin. " Napasmirk siya sa sinabi ko.
"I told you, you'll need my help one of these days." Nakahalukipkip ang mga braso niya at nakataas ang kilay. Ginantihan ko naman ang pagyayabang niya.
"And you have to stay at home for atleast three months." Halatang ikinagulat niya ang sumunod kong sinabi dahil halos malaglag ang panga niya sa narinig.
"At anong connection non sa pagiging composer ko?" Mataas ang boses niyang sabi. Pinagtinginan kami ng mga tao kaya kinaladkad ko siya papasok ng banyo ng mga lalaki at pinasok sa isang cubicle. Naghuhuramentado na siya.
"Shut up or I'll kiss you again?" Napatakip agad siya ng bibig sabay layo sa akin. Halos tumungtong na siya sa inidoro dahil nasa side ako kung asan ang pintuan ng cubicle.
"good girl." nakangisi kong sabi saka ginulo ang buhok niya.
"Bakit kailangan ko pang magstay sa bahay mo?" Nakatakip ang kamay niya sa bibig niya habang sinasabi iyon. Halatang takot na takot siya kaya lalo akong nang asar. Tinitigan ko siya ng nakakaloko saka lumapit sa kanya. Halos magsanib na sila ng pader sa sobrang pag atras niya. Napapikit na siya ng ikulong ko siya sa magkabilang braso kong nakakalso sa pader. Hindi parin niya inaalis ang kamay niya sa bibig niya at mukhang mas lalo pa itong humigpit. Inilapit ko ang mukha ko sa tenga niya.
"Wag kang mag alala, hindi kita tipo. May mahal na kong iba at hinding hindi kita magugustuhan. Kailangan ka lang don dahil patago ang magiging mga practice ng banda sa bahay. At para mabantayan ko rin ang mga kilos mo. Ayokong magleak ang mga kanta na ihahanda naming para sa Clash of Bands. Hindi ako papayag na maulit ang nangyari nung nakaraang taon. At kapag may nagtanong kung bakit ka nagstay sa bahay, just tell them you're my girl." Bulong ko sa kanya saka siya iniwan sa loob ng cubicle.
&5!
BINABASA MO ANG
US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]
Teen FictionA story of true love and how sacrifices changed everything. Iisang mukha, dalawang puso ng modernong kababaihan na handang ibigay ang lahat, at isang lalaking magpapabago ng takbo ng buhay nila. Ikaw?Hanggang saan ang kaya mong ibigay? Are you willi...