Part 8

557 44 0
                                    

Part 8:

"Babae, labahan mo nga to. Ayusin mo ha! bawal ang bratt dito sa bahay" ang aga aga binulabog ako ng senyorito ng mga demonyo sa mundo. Tss, kahapon pa to ganito. High blood!

-flashback-

Pagkatapos kong sagutin yung huling tanong ni Emman, bigla kaming nakarinig ng nabasag na kung ano. Paglingon namin sa kaninang pwesto ni JM, wala na siya dun pero may mga nagkalat na bubog sa sahig.

"Napano yun?" Tanong ko sa kanila. Nagkibit balikat lang si Gelo. Si Ryan naman ganun din habang si Emman ay tatawa tawa lang.

"Hayaan niyo na yun. Broken hearted eh. Haha!" pang-aasar ni Emman saka siya pumwesto na sa drum set.

-end o flashback-

at ayun nga, magmula nun, hindi siya lumabas ng kwarto niya kahit sumabay man lang sa pagkain. 

"bratt? kung bawal pala bakit nandito ka? Eh mas malala ka pa sa bratt? At anong labahan? Composer po ako hindi labandera!" Padabog akong umupo sa malambot na kama habang nag iinat.

"pwede ba, wag mo kong igagaya sayo. Anong klaseng babae ka ba at alas otso na ng umaga tulog ka pa rin?pambihira ka" Kitang kita ko na yung mapapatid niyang mga litid sa leeg sa sobrang taas ng dugo niya. Ang aga aga may dalaw ang isang to.

"eight???? seriously?? Ang aga aga pa noh! sa bahay nga 11 ang gising ko!Wag mo ngang pakeelaman ang tulog ko! gigising ako kung kelan ko gusto!" Humilata ulit ako sa kama saka nagtalukbong ng comforter. Bahala siya sa buhay niya.

"at anong akala mo? Nasa sarili mong bahay ka? Nandito ka ngayon sa pamamahay ko kaya susunod ka sa house rules ko or else you're so dead." hinila ng hinayupak ang comforter na gamit ko. Pakiramdam ko nagkarambulan na ang lahat ng blood cells ko sa sobrang inis ko sa kanya.

"hiyang hiya naman ako? Hoy lalaking ubod ng putla, imbis nagpapaka commander ka dyan sa sobrang strict mo, asikasuhin mo nga muna yang sarili mo! Mukha ka ng vampire na napkin ang tinitira. Kulang ka na sa dugo! Yan nga ang unahin mo wag ako"

"wow! concern huh?"

"wow! concern huh?" Ginaya ko pa ang pagkakasabi niya. "in your dreams! akin na nga yan!" kinuha ko yung pinapalaba niya. Huh! tignan ko lang kung paglabahin mo pa ko.

"wait, there's more. Pinaready ko na sa laundry room. Ayusin mo ang paglalaba. pag may nakita akong kahit maliit lang na stain, lagot ka sakin."

what? Eh hindi nga ko nakaranas maglaba? Tapos eto ako ngayon, paglalabahin ng sandamakmak na damit niya?

Pumunta na ko sa sinasabi niyang laundry room. Putakte! Isang basket ang lalabahan ko!

Okay lang naman sana kasi washing machine naman, kaya lang may isa pang problema.

HINDI KO ALAM GUMAMIT NG WASHING MACHINE!!!

"dont tell me ngayon ka lang nakakita ng ganyan. Forest girl ka talaga."

Hindi ko napansing nakalean na pala siya sa door ng laundry room at tinitignan ako. GHAD! di ako pwedeng matalo. Hindi! Akin ang korona ng pagiging bully kaya di ako pwedeng magpahalata.

"marunong ako no! Baka 'nga ikaw tong hindi!" in on ko yung washing machine. Bahala na. maya-maya, tumunog tunog to.

"Ay palaka! Ano yun?" Nanginginig akong napalayo.

" Di ka ba naman baliw? Eh dryer yung na switch on mo? Tsaka ioon mo yung washing machine eh wala pa nga tubig at laundry powder? Tsk, you're a hopeless case!"

US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon