[Mhasey's POV]
"How's the play sissy?" bakas sa boses ni Chasey ang panghihina at lungkot. kakatapos lang ng chemo niya. Pinapasadahan ko ng malambot na brush ang buhok niya habang siya, kumakain ng mansanas.
"Fine. Hindi naman siya nagsususpetcha,i think." hindi na siya nagsalita at tinuloy tuloy ko nalang ang pagsusuklay sa buhok niya. May mga ilang kumpol na ng buhok ang nalalagas sa kanya. Halos manlumo na ko sa twing nakakakita ako ng nalalagas niyang buhok. Umupo na ko sa harapan niya at hinawakan ang kamay niya.
"Miss him?" simpleng nod at matipid na ngiti lang ang sinagot niya sakin.
"Wanna talk to him?" halos manlaki ang mata niya sa sinabi ko.
"Di pwede eh. Baka mabuking tayo." sagot niya saka nag iwas ng tingin sakin. Kinuha ko naman ang cellphone ko at dinial ang number ni JM. wala pang 3 seconds na nagriring sinagot agad niya.
"Babe, san ka? Anong oras uwi mo?" halos manlamig ang buong katawan ni Chasey nang marinig ang boses ni JM sa kabilang linya. Iniabot ko sa kanya yung cell ko saka sumenyas na lalabas muna ko at siya na ang bahalang makipag kwentuhan kay JM. Nanginginig niyang inabot ang telepono at dahan dahang nilagay sa tainga niya ito.
"He-hello? Babe?" kitang kita ko ang saya sa mata niya. Naglakad na ko papuntang veranda ng kwarto niya. Nag act ako na nakikinig ng music sa ipad ko but i didn't press the play button.
Medyo nawawala na ang pandinig ni Chasey, epekto siguro ng chemo. Kaya pinidot niya ang loud speaker, giving me a greater chance na marinig ang usapan nila.
"Anong oras uwi mo? Magluluto ako."
"Ahm, pauwi na rin ako. Hintayin mo na lang ako dyan. Galingan mong magluto ha? Yung kasing sarap nung omelet dati, namimiss ko na yun eh." hindi na niya napigilan ang mga namumuong luha sa matamlay niyang mga mata. Ramdam na ramdam ko yung nginig sa boses niya.
"Oo naman, mas masarap pa doon ang ipeprepare ko okay? Teka asan kaba? gusto mong ipasundo na lang kita kay kuya Rolin para hindi ka na magtaxi? Delikado na eh, medyo pagabi na Babe."
"Ah, hindi na siguro. Kaya ko na to, hindi naman sila uubra sakin, ikaw nga sumuko sa moves ko diba?" masaya niyang sabi at tumawa ng bahagya. Kitang kita ang pananabik niyang makausap ang lalaking mahal na mahal, hindi ko siya masisisi, sa sandaling panahong nakasama ko si JM, masasabi kong hindi siya mahirap mahalin. May ugali siyang hindi mo kahit kailan mahahanap sa iba.
maririnig mo ang masarap na tawanan nila dahil sa sinabi ni Chasey. Pero makikita rin ang sakit sa loob ni Chase na yun lang ang pwede niyang magawa sa mga panahong ito. Walang tigil sa pagpatak ang luha niya kahit nagtatawanan sila.
"Sige pala, hindi na kita ipapasundo, amazona ka nga pala, basta wag ka ng magpagabi ha? Wag mong kalimutan, ako ang chef ngayon, dont miss the chance Lady. Baka magsisi ka" napakagat siya sa ibang labi niya ng sabihin iyon ni JM.
BINABASA MO ANG
US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]
Teen FictionA story of true love and how sacrifices changed everything. Iisang mukha, dalawang puso ng modernong kababaihan na handang ibigay ang lahat, at isang lalaking magpapabago ng takbo ng buhay nila. Ikaw?Hanggang saan ang kaya mong ibigay? Are you willi...