[JM's POV]
halos paliparin ko ang kotse ko para lang marating agad ang sinasabing ospital kung saan itinakbo si Mhasey.
"Masyadong mabilis ang takbo niya. I thought ganadong ganado lang siya pero nang huminto siya to change tiers, nakita kong parang wala siya sa sarili at may bahid ng lungkot ang mga mata niya." isa yan sa mga text nung RX sa cellphone ni Chasey na ipinabasa sa akin. Siguro sa race niya ibinuhos lahat ng lungkot niya kaya nangyari ito.
Nang marating namin ang ospital, ako ang pinakamabilis na bumaba galing sa kotse. Hindi ko na nga nagawang patayin ang makina. Tumakbo ako papunta sa emergency room. Halos banggain ko ang lahat ng nakaharang sa daraanan ko.
"Putang ina tumabi kayo! Asan dito si Mhasey Fortalez?" sigaw ko sa mga tao doon. Narinig naman ako ng isang nurse kaya agad niyang tinuro kung nasan si Mhasey.
"Sir ayon po ang patient niyo." sabi ng nurse sabay turo sa bed sa bandang dulo. Tumakbo ako papunta sa sinabi niyang bed. Nakita ko ang nakapanlulumong kalagayan ni Mhasey. Halos hindi na siya makilala dahil sa mga tinamo niyang sugat sa katawan. Nilapitan ko siya. Hindi ko napigilan ang paghagulgol ko. Pilit niyang inangat ang kamay niya kahit hirap na hirap na siya at pinupunasan ang mga luha ko. umiiling iling siya habang hinahaplos ang pisngi kong may luha.
Maya maya dumating na rin sila Chasey. Nilapitan siya nito at napaiyak na rin si Chasey sa nakitang kalagayan ng kapatid.
"Mhase, please laban Mhase. Wag mo kong iwan parang awa mo na." Sabi ni Chasey habang hinahalik halikan pa ang kamay ni Mhasey. Napapahawak na rin siya sa dibdib niya kaya inalalayan na siya ni Gelo at Emman. Nanatili ako sa may bandang paanan niya. Maya-maya, sumenyas siya kay Chasey na lumapit. Agad namang ginawa ni Chasey at lumapit sa kanya. May ibinubulong siya kay Chasey.
Maya-maya, bigla na lang naghysterical si Chase.
"no!no! ayoko please. Wag mong gawin to Mhasey, hindi ako papayag please lumaban ka pa kaya mo pa to." humahagulgol na sabi ni Chasey. Napayakap nalang siya kay Gelo dahil sa sumasakit na ang puso niya. Nang tignan niya ulit si Mhasey, pumapatak na ang mga luha nito at parang nagmamakaawa. Natakot naman kaming tatlo dahil unang una hindi namin alam kung ano ba ang pinag uusapan nilang dalawa.
Maya-maya, lumapit ang doktor at gaya ng ginawa niya kay Chasey, pinalapit din niya ito at may ibinulong. Palalim na ng palalim ang hinga niya. Parang hirap na hirap na siya. Hindi ko na kinaya ang nakikita ko kaya lumabas na ako ng ER. Pumunta ako kung saan nakapark ang kotse ko. Halos sirain ko ito sa kakasuntok. Walang mapaglagyan ang sama ng loob ko. Napaupo na ko sa daan habang nakasandal sa kotse ko. Humahagulgol. Ang mga mata ng tao ay nakatutok na sa akin. Nakasabunot na ako sa buhok ko. Maya-maya, may lumapit sa aking lalaking parang pamilyar.
"Bro, palagi kitang nakikita sa ninewest nung nakaraang linggo." hindi ko siya sinagot. Wala ako sa mood na makipag kwentuhan. Mukhang nahalata naman niya yun kaya tumalikod na siya sakin pero bago pa siya humakbang papalayo, nagsalita muna siya
"Hindi ka iiyak ng ganyan kung wala lang sayo si Mhasey. KAya kung ako sayo, tatakbo na ko ngayon papuntang Operating room bago pa mahuli ang lahat." seryoso niyang sabi. Napatayo naman ako sa sinabi niya
BINABASA MO ANG
US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]
Dla nastolatkówA story of true love and how sacrifices changed everything. Iisang mukha, dalawang puso ng modernong kababaihan na handang ibigay ang lahat, at isang lalaking magpapabago ng takbo ng buhay nila. Ikaw?Hanggang saan ang kaya mong ibigay? Are you willi...