a sad wedding

317 10 1
                                    

[JM's POV]


we've spent the night looking at the stars. Parang sa bawat kislapat kurap ng mga bituin, mabilis na gumagalaw ang oras. Ayoko pang matapos ang gabing to. Oo, I may look like a cheater. Minahal ko ang kapatid mismo ng girlfriend ko who's suffering right now because of me. Napakalaking sampal para sa akin nito at alam kong kailangan kong panindigan ang pagmamahal ko kay Chasey. Kailangan kong ifocus sa kanya ulit ang utak at puso ko once na bumalik na kami sa reyalidad. This? This is just a dream. A beautiful nightmare that wants to take me away from reality.


Nilingon ko siya, nakahiga siya sa braso ko. Nakatulog na pala siya. Napagod siguro kakaiyak kanina. Tinititigan ko siya habang natutulog. kinakabisado ko ang bawat detalye ng mukha niya. Yes I know Im also staring at Chasey right now. But the big difference is? Hindi siya ang nakikita ng puso ko, kundi si Mhasey. Its really hard to accept the truth nung una. Pero ngayon, mas mahirap pagmukhaing tanga ang sarili pretending to love the original. Kaso yun ang kailangan. Yun ang dapat. At yun ang tama.


i intertwined my fingers with hers then kissed the back of her hand. Tama siya, maybe this isn't really our lifetime. Pero kung sakaling totoo man ang reincarnation o life after death, i'm willing to wait. Pero sa ngayon, i need to pay Chasey's sacrifices for me. She had given more than enough. And I salute her for being such a brave girl. Hindi ko deserve ang pagmamahal niya dahil sa nagagawa ko ngayon.


 lumalamig na lalo ang simoy ng hangin. I decided to wake her para pumasok na kami sa tree house. Baka malamigan pa kami.


"Hey, cute cheeks, wake up." bulong ko sa kanya then I kissed her. papungay pungay naman ang mata niya akong tinignan. Nginitian ko siya kaya ginantihan niya rin ako ng isang matamis na ngiti.


"bakit?" humihikab pa niyang tanong.


"lipat na tayo sa tree house. Masyado ng malamig dito baka sipunin pa tayo."  nagnod lang siya saka tumayo. Inalkbayan ko siya habang naglalakd kami. I want to cherish every second, gusto kong ipadama sa kanya ang pagmamahal ko na kasabay ng pagsikat araw kinabukasan, ay ang paghinto na rin ng masasayang oras ng buhay namin.


Pagkarating namin sa tree house, humiga na kami sa kama. Niyakap namin ang isat-isa. Pinigilan ko ang antok ko, dahil ilang oras na lang ang natitira. Its already 3 am at halos dalawang oras na lang, sisilip na ang araw, signalling that the time is up for us.


I lift her head then gently touched her cheeks na mamula mula na dahil sa lamig. Tinitigan ko siya sa mata saka nagsalita

"pangako, may forever man o wala, hangga't patuloy ang pagtibok nito, ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko." nginitian niya ako saka mahigpit na inakap. I rest my head on her head. Hinalikan ko ang ulo niya saka siya niyakap ng mahigpit.


Mabilis ang naging takbo ng oras pero parang di ko man lang ito namalayan. Maya-maya, narinig ko ang isang pamilyar na tinig.


"Jm! Nak! Naryan ba kayo sa itaas?" sigaw ni Tatay Domeng. Napatitig naman ako kay Mhasey na bakas ang lungkot sa mukha. Iniwas niya ang tingin sakin saka ibinaon ang mukha sa dibdib ko. Pilit kong inangat ang mukha niya. May kaunting luha sa mga mata niya. Pero pilit siyang ngumiti sa akin.

US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon