[ JM's POV ]
its been 6 months .. its been 6 long months Kiehl, pero ni tawag hindi mo man lang nagawa . Ni text, chat, or anything.. WALA.
Asan ka na ba talaga? Iniwan mo na ba ko? Nagsawa ka na ba? Nainip ka na ba?
SUMUKO KANA BA?
"pre, ayan ka nanaman .. diba bilin ng doktor wag emo?" halos di ko na namalayang pumasok pala si Emman sa kwarto. Sobrang lutang na talaga ang utak ko..
"i can't take this anymore Em. I need to go out. Kailangan ko ng puntahan si Kiehl kundi sasabog na ko." mariin kong sabi sa kanya .
"pero pre, hindi ka pa totally nakakarecover. Baka mawalan lang ng saysay ang lahat kapag hindi mo pinakinggan ang sabi ng doktor mo. Baka pagsisihan mo." -sabi nyang halatang nag aalala ang boses.
"nagmahal ka na ba?" tanong kong kinagulat niya.
"what?"
"sabi ko nagmahal kana ba? Yung tipong ikamamatay mo pag hindi mo siya nakita at nakasama?"
"Hindi. Hindi pa.." mahina nyang sagot.. Alam kong na gets na niya ang rason bakit ko siya tinanong ng ganon.
"Pwes wala kang alam kung gano kasakit na wala kang magawa para lang makita yung babaeng pangarap mong yakapin sa bawat segundo ng buhay mo."
wala silang alam .. hindi nila alam kung gano kasakit na sa bawat araw na gigising ka, hindi mo makikita yung nag iisang ngiting nagbibigay-buhay sayo, yung natatanging mga matang gugustuhin mong titigan pagmulat ng mga mata mo, at yung mga labing hinding hindi mo pagsasawaang ilapat sa mga labi mo. Hindi nila alam kung anong nararamdaman ko ngayon, kaya wala silang karapatang sabihan akong baka pagsisihan ko lang kung magmamatigas ako.
I don't want to look so healthy outside but deep inside, im already dying.
"pero, alam ko kung gaano kasakit na ang lahat ng sakripisyo ng isang tao para sa taong mahal nya, ay mawawalan lang ng saysay" biglang sabi ni Emman
"what do you mean?"
"basta.. kung talagang mahal mo si Kiehl, you'll be willing to wait hanggang sa makarecover ka ng tuluyan. Wag mong sayangin ang sakripisyo ng mga taong nagmamahal sayo."
"kaakibat na ng magmahal ang sobrang masaktan" sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]
Teen FictionA story of true love and how sacrifices changed everything. Iisang mukha, dalawang puso ng modernong kababaihan na handang ibigay ang lahat, at isang lalaking magpapabago ng takbo ng buhay nila. Ikaw?Hanggang saan ang kaya mong ibigay? Are you willi...