Part 9

523 45 0
                                    

Part 9:

[Chasey's POV]

Grabe, nasasanay na ata akong maagang nagigising, tulog pa silang lahat. Naisipan kong maglibot muna sa bahay tutal di ko pa to nalilibot ng buo kahit ang tagal tagal ko na dito.

Umakyat ako sa second floor. Nandun ang mga guest room pero may isang naiiba ang kulay ng pinto tsaka may nakalagay na "franchesca" Nacurious ako kaya pumasok ako.

in-on ko yung ilaw. nagulat ako sa nakita ko.

Nilibot ko ang mata ko at nahagip ng paningin ko yung picture sa top tapat mismo ng boarder ng kama. si JM at isang babae. Siguro mga 14 lang si JM dito. sobrang bata pa kasi ng itsura niya. Yung girl mukhang around 12-13 years old lang.

Umikot ulit ang paningin ko.

Nakita ko yung iba pang pictures na nakadisplay. Inangat ko yung isang picture frame.

"sinong nagsabi sayong pwede kang pumasok dito?" nagulat ako sa biglang nagsalita kaya nabitawan ko yung frame at nabasag. Shit! lagot. Nakasira nanaman ako.

"what the Fuck! Tignan mo yung ginawa mo? Wala ka talagang alam gawin kundi manira! Lumabas ka nga dito! Pakealamera!"

Kitang kita ko sa mukha niya na sobra siyang naapektuhan sa pagkabasag nung frame kaya patakbo akong bumaba at dumiretso sa room ko. DI ko alam pero naramdaman ko na lang na umiiyak ako. Sobrang guilty ako dahil sa nangyari.

"kasi naman bat ka pa kasi pumasok dun at sa dami ng pwedeng maging extra talent, paninira pa talaga ng gamit ang meron ka!" parang bata akong nakikipagtalo sa sarili ko.

makalipas ang isang oras, kumatok ang isa sa mga katulong.

"mam, nakahain na po ang almusal"

"sige po, maliligo lang ako." may klase nga pala ngayon. Bumangon na ko at nagpunta sa banyo. Pinilit ko na lang munang ipagpawalang bahala yung guilt na meron ako.

pagkatapos kong magprepare, nagpaalam na kong mauuna na sa school nang bigla akong tawagin ni JM. napalunok naman ako nung marinig ko ang boses niya.

"hintayin mo na ko.Patapos na rin ako. Sabay na tayo."

tanging oo na lang ang naisagot ko sa kanya. Ewan pero iba ang epekto ng titig niya sakin nung nabasag ko yung picture frame. nakakatakot siya. sa tanang buhay ko, ngayon lang ako natakot ng ganito sa isang tao.

After10 minutes natapos na siya. para akong batang nakasunod lang sa kanya papuntasa garahe. Nakakatakot siya lalo pag gantong tahimik siya. teka ipapasalvageniya na ba ko kaya niya ko gustong isabay? Naku Lord marami pa po akong plano sabuhay ko! Protektahan niyo po sana ko! para akong tangang may pa sign of thecross sign of the cross pang nalalaman.

"ang weird mo talaga. What the hell is wrong with you?"

"ano kasi, kwan, nagdadasal lang ako.. Baka kasi ipasalvage mo na ko dahil dun sa nagawa ko kanina.. D-Dun sa picture frame?.. S-sorry."

"okay na yun kalimutan mo na yun."

para naman akong nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi niya.

"but you owe me a frappuccino for that. Kasi dahil sayo, bibili nanaman ako ng bagong frame" wow! May PMS siguro to kaya pabago bago ng ugali. bi-polar. Parang ngayon, biglang ang bait bait nanaman niya.

"ahm.. sino nga pala si Franchesca? Sorry ha? Nacurious kasi ako."

Hindi siya agad sumagot. Nagpatuloy lang siya sa pagdadrive.

US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon