Sino Ka?

291 18 2
                                    

[Mhasey's POV]



habang tumatagal ang pagpapanggap ko bilang Chasey, mas nakikilala ko siya.

At i cant deny the fact na mahirap iresist ang isang tulad niya.



He's mysterious kung titignan. Napakasuplado ng itsura niya but kapag nakasama mo, hindi siya mawawalan ng ipang aasar sayo. At kapag napipikon kana, dun na aatake ang pagiging hari niya ng kasweetan.


Shawn was sweet nung kami. He serenades me in front of many, he prepares surprise dates, and so on. But JM? He's way sweeter. Ang effort niya. He's willing to beg people para lang maging kakuntyaba niya sa mga surprises niya. He always take me on their gigs and brag how in love he is with me or i should say, with Chasey. He even takes me to places worth coming for. Kagaya na lang ng isang place ngayon dito sa lugar nila Manang Remy. halos 1 hour ang naging trip namin dahil nag sctex kami. Its a small island named potipot . A place for those who wants to escape from the heavy dramas of city life. white sand ang island na napapalibutan ng mga puno. Actually medyo caramel ang kulay ng lupa. Its not pure white. Madami ding mga malilit na shell na mapupulot. The place is very calm. Nakaka meditate ang sariwang hangin at kalmadong hampas ng maliliit na alon.





"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap Babe." nadatnan niya akong palakad lakad sa tabing dagat.


"Mabilis ka naman kasing maglakad. Baka hindi ko maenjoy ang pag iikot."  sabi ko habang nilulubog lubog ang paa ko sa buhangin.



"Yun lang pala eh, syempre pwede ko namang bagalan para sayo. Alam ko namang makupad ka eh. Haha!"



"Ang yabang yabang mo talaga!" halos habulin ko siya para kurut-kurutin pero nag tatakbo ang mokong. tawa lang siya ng tawa nung naghahabulan kami palibhasa hindi ko siya mahabol.




"Aray!" bigla naman siyang napatakbo sakin.


"Anong nangyari?" tinignan niya ang paa ko. Nasugatan ng bahagya ang kaliwang paa ko nang may maapakan akong matulis na bato.


"Lika na, dun na tayo sa villa. Gagamutin ko yan. " aktong bubuhatin sana niya ako pero tumanggi ako


"Kaya ko pa namang maglakad." nagsimula na kong humakbang pero kitang kita niya ang hirap sa bawat tapak ko.


pumwesto siya sa harapan ko at tumalikod.



"Piggy back ride?" tanong niya saka nagsmile. Nginitian ko na lang siya saka nagback ride sa kanya.




Ramdam na ramdam ko ang care sa kanya. Kahit sinong babae, hindi siya matatanggihan. The ideal guy for most girls. Iniupo na niya ako sa couch at kumuha ng alcohol at bandage sa first aid kit na dala dala niya. He's a boy scout huh. Prepared siya.

US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon