part 13

457 37 0
                                    

[Chasey's POV]

"This is it guys, wag kayong magpapaapekto sa iba. Atin parin ang titulo." Mariing sabi ni JM samin kahit halatang maging siya ay kinakabahan. Bigla namang may dumaang ibang grupo. Napatitig siya sa babaeng may hawak ng clear file na siguro'y naglalaman ng mga kanta ng bandang iyon.

"Akala ko ba wag magpaapekto? Eh nakita mo lang si Yassi natulala ka na dyan." Pang aalaska ni Emman kay JM. Nakita ko naman ang pagdilim ng mukha niya.

Para bang kinurot ang dibdib ko. Naalala ko yung nangyari three days ago, yung nagkita sila. Iniisip ko palang ang pwede nilang mapag-usapan nung araw na yun nalulungkot na ako.

Yung mga drummer na nasa loob ng dibdib ko, parang binuhusan ng muriatic acid kaya nangamatay. Maya-maya'y tinawag na ng MC ang banda namin kaya pumwesto na sila sa stage. Yung babaeng tinitignan niya kanina, biglang pumwesto sa tabi ko. Nagngitngit ang ngipin ko kahit wala naman siyang ginagawang masama sakin.

"Let's see what they've got without me." Kitang kita ko ang pag irap niya sakin through my peripheral vision. Napataas tuloy ang kilay ko. Huh! Tignan mo na lang! Ang yabang mo! Siguro ito yung Yassi na dati daw nilang composer.

*Kulang ang oras pag kasama ka, bitin sa yong halik, bitin sa yakap mong hinihiram sa pag-ibig na hindi mauwi.*

Unang stanza pa lang ang kinakanta ni Gelo pero naghihiyawan na ang mga tao. Grabe! Ang lakas ng karisma nila lalo pagdating sa chorus ng kanta kung saan sumabay si JM. Napaawang ang bibig ko, hindi kasi ito kasama sa mga praktis.

*Sa ibang mundo, siguro sakin ka at tayong pinagtakbo, sa ibang mundo siguro sakin galling ang isang pangako*

Nakatitig siya sa akin. Napangiti naman ako sa kanya at nagsmirk naman siya. Nilabi ko siya ng "Ang galling ah" . Pero hindi siya natinag. Nilingon ko ang katabi ko at nakita kong titig na titig din siya kay JM. Bigla nanamang lumungkot ang pakiramdam ko. Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko sa hiya. Hindi naman pala ako ang tinitignan kundi ang katabi ko. Napayuko ako sa naisip ko.

Maya-maya'y bigla silang napatigil sa pagtugtog. Narinig ko ang maingay na sigawan ng mga tao.

"Hala! Anong nangyari sa kanya?" Nilingon ko sila JM para tignan kung anong pinag uusapan ng mga tao pero nagulat ako sa nakita ko. Si JM, binubuhat nila Emman, walang malay. Dinala agad nila siya sa kotse ni Ryan.

"Chase, dito ka, alalayan mo ang ulo niya. Sunod ako sa inyo, sunduin ko lang si Manang Remy." Untag ni Emman sakin. Para akong wala sa ulirat na pumwesto sa passenger seat at inaalalayan ang dumudugong ulo ni JM na mukhang tumama sa kung anong matigas na bagay kaninang natumba siya.

Hindi ko namalayan ang pag agos ng mga luha ko. Bakas sa mga itsura nila Ryan at Gelo ang takot kaya lalo akong kinabahan. Naghuhuramentado na ang mga drummer sa dibdib ko. Maging sila ay natatakot sa nangyari kay JM.

Pagkarating namin sa ER, nilapitan kaagad siya ng mga nurse at doktor. Yung isa naman, lumapit sakin para manguha ng ilang impormasyon. Wala akong choice, ako lang ang pwedeng sumagot sa tanong niya dahil si Ryan at Gelo, naiwan na sa sasakyan pagkatapos maipasok sa ER si JM.

"Kaano ano mo ang pasyente miss?" tanong ng nurse sakin.

"ahh .. ano po.. girlfriend."

"ijah, malala na si Mr.Arquero . kaya dapat hindi na siya gaanong nagiging stressed, napapagod at nalulungkot. Hindi ba niya sinusunod ang bilin ni Dr.Hiron sa kanya?"

"ho?? hindi ko ho maintindihan. "

" hindi mo ba alam ang kalagayan niya? Diba ikaw ang girlfriend niya sabi mo?" para akong sinampal ng pagkalakas lakas sa sinabi ng nurse. Tama naman siya. Ang lakas ng loob kong ipakilala ang sarili kong girlfriend niya samantalang wala naman akong alam tungkol sa kanya. Ang alam ko lang ay kung gaano kasama ang ugali niya. Napatiim bagang nalang ako at hinintay ang susunod niyang sasabihin.

US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon