Part 4

708 54 2
                                    

Part 4:

[JM's POV]

"Dude! Ive heard nakakuha kana daw ng composer natin. Don't tell me you have based it again sa physical features niya ha." Matabang kong sabi habang tinotono ang gitara ko.

"matatanggihan ko ba yung ganun kaganda? I bet, her beauty wont take no for an answer pare." Nakangising sagot nya. What's new anyway?

Napakamot nalang ako ng batok saka sinabing dapat ng mameet ng buong banda ang new composer kaya ininform na niya ang sinasabing bagong composer kunno. Tignan ko lang kung tumagal siya. Wala pang nakakapantay kay Yassi.Hayyy! I always get this fucking feeling everytime i have this thought, ang isiping wala na sa banda ko ang kinikilalang pinakamagaling na composer sa buong university belt. And worse, in my life... It's like being hit by two stones in a single shot. Nawala na nga ang titulo sa amin, pati ba naman ang kaisa-isang babaeng kinahumalingan ko?


Tsss.. Dumagdag pa yung babaeng yun! Parang hindi na nakakaalala. Though I can't blame her, halos isang taon na rin anglumipas but DARN! Hindi man lang ba niya ako namukhaan?


--flashback--

My cousin Blake threw a beach party somewhere in Batangas. It's he's 21st birthday kaya malayang makapagpainom ang mokong at syempre, hindi pwedeng mawala sa listahan niya ang pangalan ng pinakapogi niyang pinsan, walang iba kundi ako. IM NOT KIDDING. lol

It's almost midnight at nagkakasiyahan na ang lahat. Nagsisimula na rin akong mairita sa mga babaeng panay ang dikit ng mga katawan sa akin. Tss! Bitches! Mabuti pa si Yassi. 

"Hey couz! Aren't we here to enjoy?" Hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin tong mokong na to na may dalawa pang babaeng nakayakap sa magkabilang gilid niya. "Mukha ba akong KJ bro?" Iritado kong sagot saka tinungga ang natitirang alak sa bote. "One more!"Senyas ko dun sa bartender at agad naman niya akong inabutan ng isa pa. Kung bibilangin, i think it's my 6th bottle magmula nung magstart ang party. Nakakagulat, hindi ako alcoholic para makarami ng ganito.

"Haha! we'll then why are you spacing out? Kanina tawag ako ng tawag sayo hindi ka man lang nakibo dyan." I gave him a death glare causing him to stop laughing. "Bahala ka nga dyan! Dun muna ko." hindi ko na siya tinignan ulit saka nakapamulsang naglakad papunta sa dalampasigan. Ms okay na tong makapaglakad lakad muna ako. Aysh! bakit ba kasi hindi ko maalis si Yassi sa utak ko? It'sbeen a month since she broke up with me but damn it! Para akong baklang hindi pa rin makaget over hanggang ngayon! Takte yan!


Nagsimula nanaman akong magngitngit sa inis kaya napapasipa tuloy ako sa buhanginan. Hindi ko na rin pala namalayang malayo na ako sa party dahil sa lalim ng iniisip ko.

"Pakshet talaga!" untag ko saka pinulot yung batong natalisod ko at aktong itatapon na sana ito sa dagat nang bigla akong makarinig ng mga hikbi. 

Madilim na ang lugar kaya hindi ko gaanong makita ang paligid. Nagpatuloy naman ang mga hikbi. Pinakinggan ko kung saan ito nanggaling hanggang marating ko ang isang babaeng nakaupo sa batuhan habang nakayakap sa mga tuhod niya at umiiyak. Tanging liwanag lang galing sa buwan ang nagsisilbing ilaw namin sa lugar.

"Shit! Baka naman multo tong nakikita ko?" bulong ko sa sarili ko. Takte kinabahan agad ako. Ang layo ko pa man din kila Blake. Papano na to? Parang hindi pa ako makagalaw tang ina dinadaga ako! Makita ko na ang lahat wag lang multo pucha! Napapamura tuloy ako eh!

Kung tumakbo na lang kaya ako? Shet no choice! Yun nalang! Pero putek hindi talaga ako makakilos! Pinagpapawisan pa ako ng malapot samantalang ang lamig lamig dito. 

US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon