[Chasey's POV]
Tatlong araw na lang Clash of Bands na. Hindi ako nag-aalala sa banda namin dahil alam kong kayang-kaya nila. No bias pero talagang magagaling sila. Napatunayan ko yun sa araw-araw na practice namin kaya hindi ako nate-threaten sa kahit sino mang makalaban namin. Kahit sa Jigzen, ang bandang bagong kinabibilangan ni Yassi.
Mas bothered ako sa pwedeng kahinatnan kapag nagkita ulit si JM at yung ex niya. Yung dating composer ng banda namin.
What if mahal pa ni JM si Yassi?
Paano kung mahal pa rin pala ni Yassi si JM?
Magkabalikan kaya sila?
Mawawala na ba ko sa eksena? Sa banda?
Sa buhay niya?
"Psst. You're spacing out Chase." Kung hindi pa ako kinalabit ni Emman eh hindi ko pa marerealyze na nagsidatingan na pala silang lahat. Actually nag-aayos na nga sila ng instruments eh. Bakit di ko man lang napansin? Ganun ba kalalim ang iniisip ko kanina?
"Stop over-thinking. The more you try to analyze it, the more complicated it become." bulong sa akin ni Emman. I gave him a weird look kaya bigla siyang tumawa. "I'm a psyche student, remember?" bulong ulit niya then chuckled.
"Kasama ba sa subjects niyo ang mental telepathy?" Tanong ko pero tumawa lang nanaman siya. May nakakatawa ba sa tanong ko?
Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumigil siya sa kakatawa. "Why? Interesado ka bang matutong basahin ang utak ni JM?" Agad akong pinamulahan ng pisngi dahil sa sinabi niya. "H-hindi a-ah. W-wag ka ngang ano dyan E-emman." Sagot ko ng hindi siya tinitignan. Nakatungo lang ako dahil baka mapansin niya ang pagba-blush ko. Darn these cheeks! Ipatapyas ko kaya ang mga to? Tss...
Nagulat ako nung bigla niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko habang nakangiti. "You sure?" Nakakaloko niyang tanong habang hindi pa rin tinatanggal ang mukha niyang malapit na sa akin. "O-oo n-naman." Nilayo ko na ang mukha ko sa kanya pero nilapit nanaman niya but this time tinapat na niya ang bibig niya sa tenga ko. "Then why are you stuttering?" Lalong lumaki ang ngisi niya. Curse this guy!
Hahampasin ko sana siya dahil sa pagkaasar nung may biglang humila sa kamay ko. Paglingon ko,
"JM?"
"There's no time for your flings here!" galit na sabi ni JM saka ako hinatak habang hawak pa rin ang kamay ko. Lalo tuloy akong namula. Aysh! Promise bukas ipapatapyas ko na talaga tong mga pisngi ko! eto namang si Emman tawa pa ng tawa parang nang-aasar.
"Jealous bro? haha!" Lintek. Ayaw paawat!
Biglang huminto si JM sa paglalakad pero hindi pa rin binibitiwan ang kamay ko. Wengya nemen eh!
"Never make me jealous Reynes. Dahil kapag inulit mo to, baka mabasag ko na yang mukha mo." Natahimik kaming lahat dahil sa sinabi ni JM.
loading...
loading...
loading...
"haha! I've got you man! Tss. Galing ko talaga. Nagtataka tuloy ako kung bakit hindi ako nagiging dean's lister samantalang ang galing galing ko naman." Pambabasag ni Emman sa katahimikan. Bigla namang binitiwan ni JM ang kamay ko saka inis na umalis sa music room ng bahay niya.
"Siraulo ka talaga Emmanuel! Panigurado lahat nanaman tayo makakatikim niyan!"
Nagtawanan ang tatlong ugok habang inaasar ako. Walanjo!
Agad ko silang sinamaan ng tingin saka pumunta sa kitchen. Uminom ako ng tubig to calm myself. I swear I wanna bring those morons back to their mom's womb! Ahrg!
Nanggagalaiti ako sa inis sa tatlong kumag na yun!
Pero bakit ganun?
There's a part of my sytem that shouts happiness?
Hindi kaya?
Darn! Di kaya ito na yung sinasabi ni Mhasey?
"kapag nagiging masaya whenever he's around, kahit ano pa man ang nangyayari, badtrip ka man o hindi, still, nagagawa mo pa ring maging masaya dahil sa kanya."
Eto na ba yung...
Love?
.
.
.
[JM's POV]
Gago talagang Reynes yun! Ako nanaman ang napagdiskitahan! Tss.Paano ko na nga ba yun naging bestfriend? Pshh! Di ko maalala!
Pero alam kong nananadya siyang magpaselos kanina... Alam kong basang basa niya na ang buong sistema ko. Kabisado niya ang bawat galaw ko kaya wala ring silbi kung magdedeny ako sa kanya. Sinusumpa ko talaga ang kanunu-nunuan ng gagong yun na nagpamana sa kanya nung angkin niyang "tamang hinala" parati.
Para akong timang na palakad lakad sa loob ng kwarto ko. "Tss! Badtrip talaga! Makapagmiryenda na nga lang!" Untag ko sa sarili saka bumaba papunta sana sa kusina nung bigla kong marinig si Chasey.
"Ay naku Chasey Kiehl! Erase! Erase! Hindi mo siya gusto okay? Hindi ka in love sa labanos na yun." The hell is she talking to? Wala namang ibang tao? Ang weird talaga nitong taong to. Nakikipag-usap nanaman sa sarili may pasampal sampal pang nalalaman.
Hindi na muna ako pumasok sa kusina. I simply hid myself behind the curtain. Pinagmamasdan ko siya habang nakahalukipkip ang mga braso at nakasandal sa may sink. Halatang iritado siya dahil sa sobrang kunot ng noo niya. Maya-maya, bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Biglang umaliwalas at napangiti.
"Pfft. Weirdo." bulong ko sa sarili kong hindi na rin namalayan ang pagngiti. Maya-maya, biglang tumunog ang phone ko.
Shit! Ngayon pa, sino ba to?
Chineck ko muna kung sino ang caller and I was froze when I saw the number.
Kahit hindi na naka-save sa phone ko ang numero niya, kabisado ko pa rin ito.
Hindi ako pwedeng magkamali,
it's her.
it's Yassi.
BINABASA MO ANG
US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]
Fiksi RemajaA story of true love and how sacrifices changed everything. Iisang mukha, dalawang puso ng modernong kababaihan na handang ibigay ang lahat, at isang lalaking magpapabago ng takbo ng buhay nila. Ikaw?Hanggang saan ang kaya mong ibigay? Are you willi...