Part 2:
This day has something magical. Isang himala na hindi ko na nahintay ang pagtalak ng alarm ko bago pa ko gumising though I'm not really one of those early risers. Medyo malayo ang school na yun kaya binilisan ko na din ang kilos ko. It took me more than a couple of hour before I reached LU. Maraming tao dahil second day palang ng enrolment. Pagkababa ko sa kotse, naamaze agad ako sa infrastructure ng school. Kung titignan kasi sa labas, parang maliit lang to pero pag nasa loob kana, jaw dropping! Kumpleto! May elevators, sariling grocery store, boutique, hospital, at bar. I must say I'm impressed.
Nasa pila ako ng registrar's office nang may nakita ako sa bulletin. "The EPiC LAUNCH". Grabe, they're really proud with this band! Dahil sa kakatitig ko sa poster sa bulletin, hindi ko napansing gumagalaw na pala ang pila. Nagulat nalang ako ng biglang may bumulong sakin.
"Miss, Gagalaw kaba o bubuhatin pa kita papunta sa pila?"
Abat! Ang antipatiko nitong isang to! Automatic na nangunot ang noo ko. Kumuyom ang palad ko sa inis. Mabilis ko na lang sinundan ang pila para hindi na makapag eskandalo. Well, I tried not to be upset dahil mahirap na, baka magkandaletche letche lang ang araw ko pag pinagtuunan ko pa ng pansin ang lalaking yun. Papaalis na ako ng registrar's office ng maisipan kong tignan ang itsura nung lalake.
Tutal nakashades naman ako, hindi naman ganong halata. Matangkad. Siguro mga 5'9. Maputi na parang alagang alaga ang balat. Nakasuot siya ng black collared shirt at my nakalagay na malaking headset sa tenga niya. Sa likod niya, may nakasabit na bag ng gitara.
"Pogi ka sana eh. Kaso antipatiko ka naman." bulong ko sa sarili ko saka mabigat ang paang nagmartsa papaalis sa registrar's office.
Pagkatapos kong kumuha ng subjects, naramdaman ko na ang gutom. Tinanong ko nalang sa guwardyang nadaanan ko kung saan ba banda ang canteen. Agad naman niyang binigay ang direksyon sakin.
"You know what? I saw him sa may billing section kanina. Grabe he's really hot. Nasa dugo talaga niya ang pagiging Arquero." I cant help but listen sa mga babaeng nagchichismisan sa kabilang table.
"Totoo ba yung rumors na isang taon na daw malamig ang valentines at pasko niya?"
" Yeah, i think since his break up with that Yassie, hindi na ulit siya nag aksaya ng panahong manligaw ng ibang babae. I've heard he spent two months on an island para lang makarecover sa break-up nila. My G! Isn't that romantic?"
"Maybe he's just really inlove with that bitch."
"Or maybe he's just waiting for me." lakas loob na sabi nang isa sa kanila. Geez, she's really that confident with herself samantalang halos malaglag na ang mukha niya sa bigat ng make up niya.
"Shhh! He's here." sabay sabay silang lumingon sa entrance ng canteen. Halos mabali na ang mga leeg nila kakasunod sa lalakeng pumasok at pumwesto sa pinakadulong table.
Gusto kong tumawa nung nakita ko kung sino ang tinitignan nila at kanina pa nila pinag uusapan. Its him, yung antipatiko sa pila kanina.
Tsk, they don't have a taste. Todo na ba yan sa kanila? Eh ang dami namang gwapo dito sa canteen pero mas nakafocus pa sila sa ugok na yun. Kung alam lang nila kung gano siya karude, baka biglang bumaliktad ang mga sikmura nila.
Binilisan ko na lang ang pag ubos sa spring rolls at in can soda ko saka umalis na sa canteen. Nakakasira lang lalo ng araw. Tinuloy ko na lang ang pag eenroll.
Nang matapos na ko sa lahat ng kailangan, dumiretso na ko sa stamping. Yun na ang last step ng enrolment process. Hindi ko na naharap magmalling sa sobrang pagod sa araw na to. Im exhausted, drained, at sobrang badtrip dahil sa nangyari kanina kaya nagdesisyon na lang akong umuwi na.
After 2 hours drive, narating ko na rin sa wakas ang bahay. Agad kong naibagsak ang pagod kong katawan sa kama. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ko.
Muli, dinalaw nanaman ako ng isang di na bagong panaginip.
Isang lalakeng naghihintay sa pinakadulo ng isle, it's a beach wedding. Nang malapit na ako at makikita ko na ang itsura niya, nagising nanaman ako. Ilang beses na itong nangyayari. It's like falling for a faceless guy. Habang tumatagal, mas lalo akong nasasabik makilala siya.
"Hey, Mr.StillUndiscovered, sa LU na kaya kita makikita? Naiinip na ko eh."
5
BINABASA MO ANG
US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]
Fiksi RemajaA story of true love and how sacrifices changed everything. Iisang mukha, dalawang puso ng modernong kababaihan na handang ibigay ang lahat, at isang lalaking magpapabago ng takbo ng buhay nila. Ikaw?Hanggang saan ang kaya mong ibigay? Are you willi...