[JM's POV]
halos isang linggo na rin siguro mula nung makalabas ako ng hospital.
At isang linggo ko na ring hindi mahagilap si Emman..
di ko alam kung bakit parang iniiwasan niya ko.. para siyang may tinatago. At kung meron man, siguradong tungkol yun sa girlfriend ko.
Ang hirap lang, kung kailan mo kailangang kailangan ang bestfriend mo,
saka pa siya hindi magpaparamdam..
Doble sakit sa pakiramdam.
No choice ako, di naman pwedeng magmukmok lang ako.Kailangan ko paring ituloy ang paghahanap kay Kiehl with or without my best pal's help.
Nandito ako ngayon sa isang cafe' para makipag meet kay Ryan tutal siya lang din ang makakaintindi sakin right now dahil may girlfriend din siya..
maya-maya, nagsimula na ang live band ng cafe'
"good evening everyone and welcome to Bohemian Cafe' and to start our first set, we want to dedicate this song para sa mga pusong sawi, umaasa, at patuloy na nagmamahal kahit na wala ng pag-asa"
*instrumental begins*
(song:Halik sa hangin)
Ang ikli ng panahon na binigay sa amin
Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin
Sandali lang nabuhay ang pusong ito
At ngayon nagdurugo
Dahil nga ngayon wala na ako doon
Sa piling niya mayroon
Pag-asa pa ba
Sana lang ay magkaroon
Isa pang pagkakataon
Na ibalik pa ang kahapon
Nung kasama ko siya
Nung ako ay masaya...
para akong nanlamig nung narinig ko yung lyrics ng kanta.. parang biglang nagflashback sa utak ko ang lahat ng pinagsamahan namin ni Kiehl sa maikling panahon..natulala na lang ako bigla habang inaalala ang mga masasayang panahong yun.
halos di ko na namalayan ang pagdating ni Ryan.
"pre ayos ka lang ba?pang ilang bote mo na ba to?parang may tama ka na ah" bungad niya sakin.
BINABASA MO ANG
US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]
Teen FictionA story of true love and how sacrifices changed everything. Iisang mukha, dalawang puso ng modernong kababaihan na handang ibigay ang lahat, at isang lalaking magpapabago ng takbo ng buhay nila. Ikaw?Hanggang saan ang kaya mong ibigay? Are you willi...