when love and hate collide

380 25 4
                                    

[JM's POV]



Anong nangyari Kiehl?

Bakit mo nagawa sakin to?

Anong ginawa kong mali?

Yan ka ba talaga?

Nagkamali lang ba ko ng akala tungkol sayo?

Bakit ang bilis mo kong pinalitan?



yan ang mga paulit-ulit kong tanong sa sarili ko.. Hindi ko maalis sa utak ko yung mga litratong pinakita sakin nung babae.



Kahit gano ko gustng malaman ang pangalan niya, kung kaano ano niya si Kiehl, at kung bakit niya pinapakita sakin ang mga litratong yon, parang hindi ko na nagawang magtanong ulit sa kanya..


Bigla na lang nablangko ang utak ko nung makita ko ang huling litrato.



Ni isang salita wala ng gustong lumabas galing sa bibig ko..

Basta ang natatandaan ko na lang, halos nanghihina akong lumabas sa loob ng kotse niya at naglakad papunta sa kotse ko.




halos pabarurot kong pinatakbo ito..

sobrang lutang ang utak ko.. Ni hindi ko na namalayang nakarating na ko sa bahay.




"Oh sir JM, ipaghahanda ko na po ba kayo ng hapunan?" tanong sakin ni manang remy. Ang yaya ko simula pagkabatang siyang nagpalaki at nagpakananay sakin.



"hindi po ako gutom mamang, salamat na lang po. pahinga na po kayo."

sabi ko sa matanda saka diretsong naglakad papunta sa kwarto ko.





Halos pabagsak kong hiniga ang katawan ko sa malambot na kama.. At sa muling pagkakataon, bumalik nanaman sa utak ko ang mga nakita ko 30 minutes ago..




kusa na lang tumulo ang mga luha ko..





ang sakit.

para akong nagkaron ulit ng sakit sa puso.

Parang karayom na tumutusok..




milyun milyong karayom na my lason.




unti unti akong pinapatay..

US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon