[Emman's POV]
kitang kita namin yung pagtangis ni JM sa labas ng hub.
Halos mawala na siya sa sarili niya. dumudugo na yung kamao niya kakasuntok sa semento.
Yung iyak niya, ngayon ko lang siya nakitang ganito. Sobrang ramdam namin yung sama ng loob niya nung hindi niya nahabol yung cab na sinakyan ni Chasey. Halos pati kami napapaiyak na sa nakikita namin.
Sinubukan namin siyang itayo pero nagmatigas nanaman siya
"bitiwan niyo ko!" sigaw niya saming tatlo . Tumayo na siya at naglakad sa direkyon ng parking lot ng hub.
susundan ko sana siya kaso pinigilan nalang ako ni Gelo. Bigyan nalang daw muna namin siya ng oras mapag-isa.
hindi na ko nagpilit. Baka kasi mas lumala lang. Isa pa, ramdam ko parin yung galit niya. Baka mag away lang kami kapag kinulit ko siya.
nung nakita naming inon na niya yung kotse niya, niyaya na rin ako nila Ryan bumalik sa loob ng hub para ituloy ang set namin. Pero maya-maya, nakita nalang naming pinatakbo niya ng sobrang bilis yung kotse nya at..
*booogsh!*
diniretso niya yung auto niya sa pader. Nagsigawan na ang mga taong nakakita.
"shit!" napatakbo kaming tatlo papunta sa kotse ni JM.
tainted yung kotse ni JM kaya hindi namin ganong maaninag yung itsura niya. Sobrang nayupi yung harap ng kotse kya sobra kaming nag aalala sa kanya.
"putang ina! Wag kayong basta manood dyan! Tumawag kayo ng ambulansya!" galit na sigaw ni Ryan sa mga taong inuna pa ang mang usyoso kesa tumawag ng tulong.
si Gelo pumunta sa auto niya para kunin yung lagi niyang dala dalang baseball bat niya.
kinuha ko sa kanya yung bat saka pilit binasag yung window sa driver's seat.
kitang kita ko si JM nakasandal yung ulo niya sa manibela. Wala na siyang malay.
"JM! Tol please imulat mo yang mata mo! Hoy gago umayos ka!" umiiyak na ko. hindi kasi siya gumagalaw. para siyang lantang gulay. Ang dami ng dugo sa katawan niya. Hindi naman namin siya pwedeng galawin dahil baka imbis makatulong, lalo lang naming mapalala ang lagay niya.
BINABASA MO ANG
US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]
Teen FictionA story of true love and how sacrifices changed everything. Iisang mukha, dalawang puso ng modernong kababaihan na handang ibigay ang lahat, at isang lalaking magpapabago ng takbo ng buhay nila. Ikaw?Hanggang saan ang kaya mong ibigay? Are you willi...