[Emman's POV]
"magaling kasi siyang sumayaw" yeah. Ang babaw right? I fell for Vayne dahil sa galing niya sa pagsasayaw.
cheerleader. To be exact.
actually hindi talaga siya talented. Hindi inborn ang galing niya.
Acquired skills, yan ang perfect description for what she have.
"duhhh? grabe ang standard mo ha? Di ba uso sa utak mo ang other options at criterias when choosing a girl?" eto nanaman po siya.
"alam mo kasi, hindi naman siya ganun dati. Sobrang ibang iba yung nakita mong Vayne kanina kaya madali lang sayo magsalita ng wala akong taste."
"okay, sige, then tell me.Dali!"
i just gave her a deep sigh.Ano pa nga bang choice ko kundi ang ichismis sa kanya kung ano ba talaga ang nakita ko at nakapagpabaliw sakin kay Vayne dati to think na hindi naman siya talented, hindi siya mabait. Actually matagal na siyang suplada. Lalong hindi siya kagandahan dati.
Yeah, tama ang nabasa mo. Hindi siya kagandahan,kung tutuusin hindi rin naman siya ganun kaputi noon. Isa pa, matagal na ding mahina ang kokote niya
So ano nga kaya ang nagustuhan ko sa kanya?Well ganito kasi yan,
let's say she's this type of girl na hindi marunong sumuko sa pangarap niya.
She doesn't have the talent,the beauty, but she possess the attitude of a goal-oriented person. Tipong mas pinili niyang mag invest sa pangarap niya kesa lagyan ng laman ang utak niya.
Sobrang pangarap niya ang maging sikat na cheerleader.
Yun nga lang, as i have said, wala siyang talent sa pagsasayaw.
every audition noon sa school for cheerleading, palaging siya ang una mong makikita sa pila. Sya palagi ang pinakamaaga. Kaya lang, hindi talaga siya natatanggap.
Aware ako sa mga ganung scenario sa buhay niya. Kasi isa ako sa mga basketball player ng high school team namin at every audition ng cheerers, kasama kami sa mga nagja judge o di kaya naman ay pinapapapanood samin ang mga aspiring cheerers tutal kami ang dahilan bakit sila nag eexist sa school.
She's not that tall, 5'1 lang ang height niya. Maypagka dark ang balat niya, at sobrang payat niya. She's not my type of girl. Mas trip ko kasi ang mga kikay. Yung tipong may pagka sopistikada pero madaling pakibagayan.
BINABASA MO ANG
US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]
Teen FictionA story of true love and how sacrifices changed everything. Iisang mukha, dalawang puso ng modernong kababaihan na handang ibigay ang lahat, at isang lalaking magpapabago ng takbo ng buhay nila. Ikaw?Hanggang saan ang kaya mong ibigay? Are you willi...