[Mhasey's POV]
"I can't believe you've done such terrible thing Mhasey! Hindi yan ang pagkakakilala ko sayo." i can feel the anger on my bestfriend's voice. Tama si Mecaela, hindi ako ganung klaseng babae.
"I know Ellie, kaya nga halos hindi ko na magawang tumapak sa loob ng kwarto ni Chasey." sabi ko then took a sip on my latte.
Ano nga ba itong nagawa ko? Diba dapat ako ang fairy god mother ni Chasey? Pero ng dahil lang sa isang maling desisyon, biglang nagbago ang lahat. God mothers don't fuck the prince charming. Halos masampal ko ang sarili ko everytime naaalala ko ang malaking pagkakasalang nagawa ko.
Suddenly, bigla na lang akong naging kontrabida sa love story ni Chasey at JM. A cheater, a slut, a whore. Ang pinakamasakit, pinangako ko sa kanya na hinding-hindi ko ipapaagaw ang prince nya sa isang stupid witch. pero parang i turned out to be that witch.
"Anong plano mo ngayon? Papano na lang kung malaman yan ng kapatid mo? Baka mapaaga pa ang byahe nun."
"I wanna quit. Kaya lang paniguradong hindi papayag si Chasey." wala sa katinuan kong dinire-diretso ang pag inom sa latte ko.
"Chill Mhase, ganito na lang, act as if walang nangyari. Isipin mo na lang hindi nangyari ang gabing yun para hindi na maapektuhan yang ulirat mo everytime magkikita kayo ni Chasey o ni JM. I know this is hard for you, kaso ito lang ang choice mo." tama si Mecaela, wala akong ibang choice kundi ang panindigan ang problemang ito.
Matapos ang usapan namin, nagpaalam na ko na dadalawin na si Chasey. Halos tatlong araw na akong hindi nagpupunta sa kanya dahil sa hiya at guilt na nararamdaman ko. PEro gaya ng sinabi ni Mecaela, kailangan ko ng burahin ang pangyayaring yun sa isip ko.
pagpasok ko sa hospital room ni Chasey, bumungad agad sakin ang nakasimangot niyang mukha. Pero ang mas nakakapanlulumo dun ay ang suot nyang bonet at ang matamlay niyang balat.
"What's wrong with you? You're not answering my calls pati kila Gelo at Emman. May nangyari ba?"
Nangyari? Halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Relax Mhasey, its not what you're thinking. pagpapakalma ko sa sarili ko
"Ahm, wala. Hindi lang naging maganda ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw. Flu i guess"
"Oh my G, okay ka na ba ngayon?" bigla na lang nagshift ang expression ng mukha niya from tampo to concern. Nagnod na lang ako saka yumakap na sa kanya.
BINABASA MO ANG
US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]
Teen FictionA story of true love and how sacrifices changed everything. Iisang mukha, dalawang puso ng modernong kababaihan na handang ibigay ang lahat, at isang lalaking magpapabago ng takbo ng buhay nila. Ikaw?Hanggang saan ang kaya mong ibigay? Are you willi...