{A/N: dahil love na love ko ang comments mo, this one is for you :D :* Thank you for supporting my story :) }
------------------------------------------------------------------------------------
[Mhasey's POV]
pagkatapos ko siyang bigyan ng kape, bigla na lang siyang inantok. Dala siguro ng pagod ng pagkakabit ng tarapal sa bubong kanina. Pinagmasdan ko siya habang natutulog. Its been a long time since I saw him sleep. Yung huling beses? Masyado ng masakit para alalahanin. Halos dalawang oras na siyang tulog. Paikot ikot lang ako sa loob ng tree house, madalas nakatitig ako sa labas, pinagmamasdan ang malakas na pagbuhos ng ulan. Parang yung luha ko nung nagkaalaman na. Para akong emo na nagmumuni muni sa may pintuan. Pakuyakuyakoy pa ko ng paa habang kumakanta ng mahina. "Sampung mga daliri, nawala ang lima. akala ko ay hawak mo, binitawan na pala." wala sa sarili kong pagkanta kanta. Maya maya narinig ko siyang umuungol. Nananaginip siguro siya. Tumayo ako para i-check siya pero nung hipuin ko ang noo niya, ang taas ng lagnat niya at nanginginig na ang katawan niya.
Ginigising ko siya. Bahagya naman siyang nagmulat ng mata niya pero nagulat ako nung bigla siyang magsalita.
"Yassi." sambit niya saka biglang nakatulog. Yung tipong parang na knock out sa isang boxing fight. Pero sa narinig ko, para bang ako ang nasikmuraan.
Who the hell is Yassi? Kanina yung necklace na may pendant na Yassi ang nakita ko dito sa bed, ngayon naman, napagkamalan pa niya kong yung Yassi na yun. Sino ba yung lintik na yun? Hindi naman siguro niya tinutwo time ang kapatid ko? Dahil pag nangyari yun, ipapakaladkad ko siya sa Trapsi baby ko.
Inis na inis ako dahil sa pagsambit niya ng pangalang yun. Pero biglang nawala yun nang bigla na lang siyang manginig dahil sa lamig. Halos mapatalon ako papunta sa lamesa para maghanda ng pamunas sa kanya. Pagkahanda ko, agad kong nilagyan ng bimpo na piniga sa maligamgam na tubig ang noo niya. SObrang init niya at kinukombulsyon na siya. pano na to? Iisa lang ang kumot na dinala namin at ang masakit pa, hindi naman masyadong makapal. Ano nang gagawin ko? Mhasey, mag isip ka, kahit ngayon lang parang awa paganahin mo naman yang kokote mo. Untag ko sa sarili ko habang parang baliw na palakad lakad sa harap niya. Naku bahala na!
Tinabihan ko siya at inakap ng mahigpit. Naramamdaman ko naman ang bahagyang pagkalma ng mga kalamnan niya mula sa panginginig. Lumipas ang ilang minuto na nasa ganoong posisyon kami. Naramdaman ko na rin ang antok dala na din siguro ng lamig ng panahon. Ito pa man din ang kahinaan ko. Napakabilis kong antukin kapag malamig. Unti-unti nang bumibigat ang talukap ng matako at ilang sandali pa, nakatulog na ako.
Nagising na lang ako na may nakayakap na sakin at nakakumot na rin ako. Halos mapatalon naman ako mula sa kama nang makita ko ang mukha ng nakayakap. Dahil sa kagustuhan kong makakalas sa pagkakayakap ni JM, nahulog ako sa kama. Blag! Nadali ang ankle ko.
"Arayyy!" halos mapaiyak na ko sa sakit. Bigla naman siyang nagising dahil sa sigaw ko.
"Oh, anong nangyari sayo?" hindi ako nakasagot dahil sa pag inda ko sa sakit. Tumayo naman siya mula sa kama at pinuntahan ako. Maya-maya bigla nalang niya kong binuhat papunta sa kama.
"Oh teka, hindi ka pa okay. May lagnat ka pa!" pagprotesta ko nung pilit niyang hinihilot ang pilay ko.
"konting sinat na lang to. Tsaka sanay ako wag kang mag-alala. Ive been one step away from death several times before kaya hindi ako takot sa sinat o lagnat." sabi niya saka kinuha ang tuwalya at umupo sa racking chair sa tabi ng kama. Ilang minuto lang, nakatulog na siya. Ako naman, bigla na ring dinalaw ng antok.
BINABASA MO ANG
US against TADHANA [ COMPLETED AND SOON TO BE PUBLISHED ]
Teen FictionA story of true love and how sacrifices changed everything. Iisang mukha, dalawang puso ng modernong kababaihan na handang ibigay ang lahat, at isang lalaking magpapabago ng takbo ng buhay nila. Ikaw?Hanggang saan ang kaya mong ibigay? Are you willi...