02

314 8 0
                                    

HANNAH POV

Nang matapos kaming magbreaktime pumunta muna kami sa court may practice daw kasi si Liam kaya wala na kaming nagawa, hindi nagsisimula ang practice nila kulang pa daw kasi sila, madaming nanunuod na nagtitilian ang mga babae naiirata na ko ah.

Mas lumakas pa ang mga sigawan nila ng merong apat na lalaki ba 'yun pinagkakaguluhan sila mukhang basketball player din, Kumakaway 'yung isang lalaki dun 'yung, Dalawa naman naguusap tapos 'yung nasa gitna kausap si Liam. Hindi ko nalang pinansin pero maraming ding nagbubulungan napatingin nalang ako kay Katelyn halatang kinikilig.

"Hoy Mila tignan mo ang gwapo talaga nila lalo na 'yung magpinsan no" Sabi nung isang student.

"Oo nga eh, 'pag ako naging jowa ni isa diyan sa mga magkakaibigan ewan ko nalang" Sabi din nung Mila daw.

"Asa ka naman" ganti nung kasama niya.

"Hmm, ikaw naman nagi-imagine lang ba't ba" pagtatanggol naman nito.

Nakikinig lang ako sa mga pinaguusapan nila dahil naririnig ko nga, hindi ako chismosa, sadyang naririnig ko lang. Tinignan ko sila pero nakatingin lang sila dun sa apat na lalaki at kay Liam ganito ba dito.

"Diba nililigawan ni Jake si Katelyn, ayun lang si Katelyn oh baka marinig ka lagot ka kay Press" sa nung kaibigan niya.

"Oo nga pala edi sa kaibigan nalang niya" angal naman na sabi nung Mila.

"Rinig na rinig ko kayo" bulong naman ni Katelyn habang nakanguso.

Si Anthony nandito busy sa pagkain kahit kakain lang namin. Kinalabit ko siya at tumingin namna siya saakin saka ngumiti kahit puno ang bibig niya kaya napangiti narin ako.

"Hindi kapa ba pupunta doon" turo ko kung nasaan si Liam.

Nilapag niya ang kinakaain niya sa gitna namin at binuksan ang bottle water niya saka uminom. Akala ko hindi niya ako sasagutin pero nilunoo niya lang pala ang kinakain niya.

"Hindi pa, mamaya. Hindi pa naman kasi nagsisimula saka masarap kayang kumain"

"Bakit ba kasi may ganito eh kakaumpisa lang ng school year"

"Kasi nga naghahanap sila ng mga player para sa sport fest na magagawa sa September or October, Hindi mo ba narinig kanina 'yung announcement nila bago nagsipuntahan ang mga estudyante sa mga classroom nila?"

"Hindi, late kasi ako eh" pagaamin ko.

Tumawa siya habang nauubo pa ata. "Parehas lang pala tayong late, kala ko naman kung alam mo"

Late siya kanina paano niya pala alam 'yon. Tss bahala na.

"Uubusin ko lang 'to tapos punta nako doon" kangiti niyang sabi.

Hinayaan ko nalang siya at para matapos din ang pagkakakain niya sa tabi ko.

"Gwapo mo Liam!"

"Akin ka nalang Andrei!"

"Sayong-sayo nako Ethan!"

"Lance love you!"

"Jake will you marry me!"

"Ethan!!!"

Pangit niyo.

Sigaw ng mga ibang students kala mo naman kung competition na eh practice palang naman, nanonood nalang ako habang si Katelyn naman todo cheer dun sa Jake ata 'yon, but someone caught my attention.

Wew English yarn.

Matangkad, maputi, at medyo mahaba ang buhok niya pero nakastlye siya na parang mullet ata. Umiiwas ako ng tingin ng tumingin siya sakin.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now