30

123 6 0
                                    

IVAN POV

"Hannah, long time no see!"

May narinig akong boses sa tabi ko at lumingon ako pero hindi ko na kilala ang mga ito dahil masyadong madilim dito sa parking lot ng campus.

"Hindi mo na ata ako nakikilala at may bago ka naring mga kaibigan" baling niya saamin.

Masyadong pamilyar ang boses niya pero medyo malabo.

"Sino kaba?" Tanong ni Hannah at masyadong naguguluhan.

"Tss-tss-tss" singhal niya na parang hindi talaga kilala ni Hannah ang kausap niya

"Umalis na kayo" baling naman saamin ni hannah

"Oh bakit mo sila pinapaalis...Hi Rye nandito kanarin pala,Hindi na kami mahihirapan" kumaway siya kay Rye at napansin kong napahawak si Rye sa braso ni Liam.

"Umalis na kayo"

"Hindi ako aalis dito hanggang hindi kita Kasama"

"Hayss....Hindi padin kayo nagbabago hanggang ngayon kapit tukko padin kayo,kaya nga napatumba niyo lahat ng mga tauhan ni Boss" maangas na sabi niya.

"Franklin" Sabi ni Hannah na parang naninigurado.

Lumapit si Hannah kay Rye at nagbubulungan pa sila.

"Oh kasama niyo pala yung dating leader ng Miana group" baling niya saakin at nagulat naman ako.

Fuck,Buti nalang at wala dito si Stella kung Hindi lagot ako neto.

"Tumigil na nga kayo!!!" Biglang sigaw si Katelyn at lalapit na sana yung lalaki kay Katelyn kaso humarang si Hannah.

"Ano ba kaylangan niyo?"

"Ikaw" deretsyo na sabi niya kay Hannah.

"Bakit? Papatayin niyo ako?"

Tumawa siya at biglang nagseryoso ang mukha niya. "Oo" walang ganang sagot niya.

Sinipa ni Hannah sa tyan ang lalaki at tumayo agad ang lalaki para sapakin si Hannah kaso nahawakan ni Hannah ang pulsuhan,sinapak naman ni Hannah ulit ang lalaki.

"Pwede ba Franklin tantanan niyo ako dahil baka kung anong magawa ko sainyo ng mga kasama mo" turo niya sa mga kasama niya.

Tumalikod si Hannah para aalis na pero hinawakan lang siya sa pulsuhan ni Franklin upang sapakin ulit.Tutulongan ko sana Hannah para matapos na tapos na pero pinigilan ako ni Jake.

"Dre hayaan mo muna"

"Tutulongan ko na gusto ko ng umuwi Dre" tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay at sinipa ang aambang sasapak kay Hannah.

"Puta Dre,Hoy!!!" rinig kong sigaw ni Jake.

"Tangina naman oh" rinig ko nanamang sabi ni Rye at tumulong nalang.

"Hoy Rye"

Ilang minuto ang away namin at natapos nadin.

"Tangina ka huwag na huwag kang magpapakita saakin kung hindi papatayin kita" Sabi ni Hannah.

"Babalikan kita at ako ang papatay sayo" Sabi niya at bago umalis.

"Hoy tama,mangpapatay kapa" pigil sakanya ni Rye.

Pumasok sila isang Van ng hindi kalayuan saamin kaya mas lalo akong nagtaka kung bakit malapit lang saamin ang Van,kung hindi ito aksidinte ibig sabihin plinano ito ngunit hindi nila inaasahang may kasama si Hannah.

"Gagi may sugat ka Rye" nag-aalalang sabi ni Katelyn.

"Let's go,dadaan tayo ng 7eleven para lagyan ng ice yang mga pasa niyo" Sabi naman ni Andrei.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now