43

96 6 0
                                    


WARNING:THE WAR IS STARTED!!!

(Gang war palang 'yan pero may kasunod pang isang war)

Adultnapping

HANNAH POV

Lumabas ako ng coffee shop dahil medyo pagabi at nandito padin kami lumabas lang ako dahil gusto ko magyosi, tagal nadin akong hindi nakakatikim ng yosi dahil laging may nakabuntot sa'kin na kung sino.

Nararamdaman ko na iyon simula ng nawala ako sa Gang, hindi ako nagyoyosi dahil baka kung sino ang lumapit sa'kin at hindi ko madipensahan sarili ko kapag nagkataon.

Binuksan ko ang isang kaha ng sigarilyo, binili ko lang sa tapat ng shop, sumandal ako sa kotse ko, ilinagay ko ang isang yosi sa bibig ko at sinidihan gamit ang lighter, linalasap ko ang amoy ng sigarilyo dahil sa sobrang tagal ko na'ring hindi nakapagsigarilyo naging focus nalang ako sa pagaaral ko.

Habang nagyoyosi ako napatingin ako sa kalawakan, walang buwan ngayon pero maganda naman dahil marami 'ding star, balang araw magiging Isa din ako sa mga 'yan.

Nakailag sindi pa ako sa ng yosi hanggang sa naubos ko ang laman lima lang binili ko dahil wala akong barya ngayon. Itinapon ko ang mga yosi na naubos ko at paumpisa na sana akong maglakad papasok sa loob ng may tumakip sa bibig at ilong ko, bigla nalang ako nakaramdam ng antok at natumaba nalang.

Unti unti kong iminulat ang mata ko dahil sa naririnig kong pukpok ng bakal sa tabi ko, pagkadilat ko masyadong madilim at walang makitang tao o anino manlang ang tanging ilaw lang ang nasa taas ng pwesto ko.

May naririnig akong nagtatawanan pero hindi ko pinansin iyon dahil masyadong masakit ang ulo ko dahil yata sa naamoy kong pampatulog.

"Kamusta tulog?" Tanong ng isang boses lalaki.

"Boss mukhang kulang pa ata tulog niyan baka hindi ka magenjoy!!" Biro ng kasama niya kaya nagtawanan ang mga kasamahan niya.

Ngayon alam kona hindi lang dalawa ang narito kung hindi madami sila, inalog alog alog ko ang ulo ko para maayos ang tingin, tumingala ako pero agad ding napaliko ang ulo ko dahil sa malakas na sampal ng nagtanong sakin.

Agghhhhhh....

"Pasensya na ah masyado pa kasi g tulog utak mo kaya ginising lang kita" ipinasok niya ang mukha niya sa may ilaw nakamask lang siya.

"S-Sino k-ka?" Nauutal kong tanong dahilan para magtawan silang lahat.

Sige lang..Pagtawanan niyo ko kapag ako natangal ko pagkakatali ko dito lagot kayo saking lahat.

"Hayaan niyo na muna 'yan" Sabi nanaman niya at umalis nanaman sila.

Ilang beses kong sinubukang tangalin ang pagkakatali ko pero masyadong mahigpit kaya wala na akong nakagawa kung hindi matulog, tutal hindi naman ako makaalis sa pagkakagapos ko dito matutulog nalang ako.

Hindi ko alam kung Ilang oras akong nakatulog dahil pagmulat ko nakabukas na ang mga ilaw at nakita kong madami ng mga lalaking nakatingin sakin.

Ano 'to rarape-in ako, patayan nalang mas maganda.

"Gising kana!! Gapos niyo na doon 'yan oh" tumuro siya kaya napatingin ako doon sa... Halos mapalaki ang mata ko ng makita ang isang kahoy doon na hugis box.

Hindi ako nakagawa dahil nakatutuk sa noo ko ang baril, inilapit nila ako doon at iginapos ulit ang pulsuhan ko. Nakatayo lang ako dito at pinagmamasdan ang mga taong nakatingin sakin.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now