33

118 5 0
                                    

HANNAH POV

"Hay salamat nakauwi din!" binagsak ko ang katawan ko sa sofa.

"Musta si kuya?" Tanong agad ni Cy.

"Ewan sabi ni Mom okay naman na daw siya"

"Hindi pa nagigising?"

"Oo....Ata"

"Gumising na sana siya, ang boring dito sa bahay" reklamo niya kaya tumingin ako sakanya.

"Punta ka daw sa birthday ni Katelyn"

"Hindi na"

"Bakit? tanga, niyayaya ka niya"

"Sige sasama ako basta libre mo ng-"

"Ano? Bag?" Mabilis niyang tanong.

Putangina neto ah.

"Hindi doon sa mall 'yung bagong bukas na S&T"

"Ano 'yan bukas na mga damit?"

"Gaga! Hindi nga seyempre pagkain"

"Akala ko ba nagpapapayat ka" pinagtaasan ko siya ng kilay at umirap naman siya agad.

"Tinatamad na akong magpapayat, lagi akong nagugutom"

Bobo diet nga diba.

"Tss, Tara" Yaya ko sakanya.

"Saan-"

"Teka magbibihis lang ako"

Naalala kong birthday pala iyon ni Katelyn, bibili nalang ako ng kung ano para iregalo sakanya.

"Tara na" aya ko ulit sakanya.

"Let's guar!"

"Manang alis muna kami!" paalam ko ng makita ko siya sa harap na nagdidilig.

"Sige ingat kayo!"

Pinaandar ko na ang sasakyan ko at umalis na rin, habang nagmamaneho ako napansin ko si Cy na kunot na kunot ang noo niya na parang may galit ata sa kachat niya.

"Sino yan?"

"Wala nangbwebwesit lang" tinago na niya cellphone niya.

Pagkadating namin sa mall nagpark muna ako at pumasok na sa loob. Marami pa ding mga tao dito kahit magagabi na.

"Ayun oh" turo niya sa S&T.

Bumunta kami doon at kumain ng mga kung ano.Meron sila sa menu na mga burger, Nuggets, Noddles at marami pa. Umorder si Cy ng pagkain niya at ang saya ng bata. Sa sobrang dami ng inoder niya kala mo naman kung Hindi pinapakain sa bahay.

"Ang sarap, try mo" tinulak niya ang lalagyan ng burger para mailapit saakin.

Kinuha ko iyo at masarap nga, kumain lang kami at pagkatapos 'nun pumunta na din kami sa kabilang mall na puro mga damit na kung ano ano pa.

"Ikaw pumili ng ireregalo ko, Hindi ko alam pumili" Sabi ko sakanya kaya hinampas ako.

"Gaga ka, dapat ikaw pumili"

Wala na akong nagawa kundi pumili nalang ng isang bag na simple lang pero maganda din. Pagkatapos naming pumili ng ireregalo kay Katelyn naghanap pa kami ng mga damit na isusuot, madami namang kaming mga damit na hindi naman ginagamit, formal lang din naman ang mga iyon.

"Sana maging indorsement ako ng mga ganito"

Endorser 'yun.

"Na ngangarap ka nanamang gising" Sabi ko sakanya at biglang nawala ang ngiti niya.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now