84

76 4 0
                                    


End war sa Hermosa.

(Move on muna sa war mga veh)

IVAN POV

Ilang oras ang nakalipas at nakadating nadin kami finally sa bahay, pagod ang lahat pero ako gusto kong puntahan si Hannah.

"Hoy Lancelot! Kilala mo ba 'yung kaibigan ni Hannah?" Tanong ni Ate.

Kikialam siya sa mga gamit ko dito sa kwarto ko eh meron naman siyang kwarto.

"Sino? Si Franklin?" Pabalik na tanong ko.

"Hindi 'yung isa, lagi ko kasi siyang napapansin na lagi kayong magkasama tapos naaalibadbaran ako"

"Si Zachary, 'yung bwesit na 'yun, jowain mo nga para may pakinabang din" utos ko.

"Sira ba ulo mo! Tch" sigaw niya at binalik ang pagkakahiga niya sa kama ko. "Pero gwapo siya, tapos may muscle din" kinikilig na sabi niya. "Alam mo ba natapos nun?"

"Ewan, siguro ano, Hmmpp ewan wala kasi akong paki dun, nabi-bwesit ako dun" sagot ko.

"Hayst, pwede mo naman sigurong tanungin kay Hannah 'non" pabulong na sabi niya.

"Teka nga! May type kaba dun?"

"Oo, onti, pero hindi ko naman aanuhin, magkaibigan kaya sila ni Hayden"

"Sigurado kang kaibigan ni Hayden 'yun?"

"Ibig mong sabihin?" Mataray na tanong niya.

"Hindi naman sila nagpapasinan tapos ang kaibigan lang nun si Hannah at Franklin pero parang ngayon si Hannah nalang" paliwanag ko.

"Sige ganito, tulungan mo si Ate my baby boy" malambing na sabi sakin.

"Ate, matanda na ako kaya huwag mo nga akong tawaging baby boy, nakakadiri"

"Sige na nga, sabihin mo nalang na pumunta sa hospital natin bukas, bukas mo papuntahin at sabihin mo ngayon sakanya"

"Bakit ko naman gagawin 'yun? Ano kapalit?"

"Peste ka talaga, fine! Libre ko lahat ng date niyo ni Hannah pero sasama niyo padin si Celeste sa lakad niyong dalawa" pinanlakihan niya ako ng mata niya.

"Tch, eh si Zachary ano gagawin mo sakanya?" Tanong ko sakanya.

"Basta, kakausapin ko lang" sagot niya.

"Ikaw baka gusto mong mabuntis ng hindi kasal!" Sigaw ko.

"Hindi naman basta may c*ndom okay nayun" sagot niya.

Napatitig ako sakanya at tumayo para tawagin si Mom. "Mom!!" Malakas na sigaw ko pero tinakpan niya bibig ko.

"Manahimik ka sasakalin kita" bulong niya.

Ilang oras pa kaming nagasaran at natapos din, may balak akong tawagan si Hannah pero busy padin ang phone niya, baka may katawag.

Tch Patay na nga pinagseselosan ko sakanya pero meron pa ulit.

[Hello] malambing na boses na sabi niya.

Sa sobrang lambing nilalamig ako.

"Anong Hello? Walang hello mahal ganun!"

[ Hell--o mahal ko] ulit na sabi niya.

Teka parang iba 'yun ah.

"Tch, iba ka rin eh 'no, patayin ko na nga busy ka yata" Sabi ko sakanya.

[Huwag mong papatayin!] utos niya.

"Bakit naman?"

[At huwag ka ding magtampo]

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now