34

111 5 0
                                    

IVAN POV

Nasa garden kaming lahat na magbabarkada dahil nagplaplano sila ate at Katelyn kung ano ang gusto niyang design sa birthday niya.

Kala mo naman debut.

"Kate may Instagram ba sila Hannah?"

"Who's Hannah?" Tanong ni ate.

"Bagong kaibigan namin"

"Oo meron bakit?" Tanong din naman ni Katelyn.

"Add ko lang"

"Oo nga"

"Iyung kay Rye It'syourReya tapos kay Hannah L.Sanchez."

"Thanks" ngumiti siya kay Kate at pinagpatuloy nalang ang ginagawa nila.

Ilang minuto ang nakalipas nagvibrate ang phone ko. Nilike ni Hannah 'yung post kong iyung nakasandal ako sa kotse ko at kunwaring inaayos ang necktie ko, pero agad din niyang binawi iyon.

Patritripan kaya kita.

To: Hannah
Stalker!

From: Hannah
Kapal mo napindot lang.

Sabi na eh.

To: Hannah
Okay, dahan dahan lang sa pagistalk baka mamaya Isa kana sa taga sigaw ng pangalan ko sa campus.

From: Hannah
Pasapak kahit isa lang.

Pinipigilan kong tumawa ng malakas dahil baka napatingin sila saakin pero busy naman silang lahat para mapansin nila ako na ngumingiti.

To: Hannah
Ayoko nga masyadong mahal ang mukha ko para sapakin mo lang.

From: Hannah
Magkano babayaran ko.

Mahal.

To: Hannah
Hindi mo afford.

From: Hannah
Maaafford ko basta masapak lang kita.

To: Hannah
Bawal....

From: Hannah
Dwow bakla.

To: Hannah
Dwow tomboy.

Binalik ko sakanya ang sinabi niya pero tomboy ang sinabi ko,Ganda niyang asarin dahil pikunin siya, kasalanan na niya iyan tutal Hindi naman na siya umiiyak kaya aasarin ko nalang.

From:Lance
Just joking....

Binawi ko rin iyo pero Hindi na siya nagreply kaya tinignan ko nalang mga post niya. Latest post niya nung nasa Vigan siya kasama niya kuya niya si Rye at pinsan ata niya iyung babaeng mahaba ang buhok at nakashades ng black.

Mga iba naman nasa Paris, LA, New Zealand at iba pa puro bag na at mga sapatos niya iniiwasan ko talagang mailike ni'isa sa mga post niya.Meron akong nakitang isang post na magkakasama silang lima new years day siya at napansin ko din Yung mukha ni Hannah na mukhang napipilitan lang.

"Hoy sino 'yan?" Aagawin na sana ni Liam yung phone ko pero tinulak ko yung mukha niya.

"Manahimik ka diyan" kalmadong sabi ko.

"Paano ako mananahik e kanina kapa naming nakikitang ngumingiti diya'an"

Ngumingiti ako? Kaylan? Parang hindi naman.

"Tanga hindi ah"

"That true" ngumisi saakin si Ethan.

Shit.Hindi ko siya gusto.May girlfriend ako.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now