Koneksyon.HANNAH POV
Alam kong bastos ang ginawa ko sakanya dahil bigla nalang akong umalis sa pagkakaypo ko sa tabi niya pero hindi na talaga kaya ng mata ko.
Napansin kong wala ng tao sa salas na kung saan namin sila iniwan, hinanap ko ang banyo nila dahil maghihilamos lang ako ng mukha.
Umihi rin ako at naghugas ng kamay, pagkatapos ko nag-hilamos na ako, tumingin ako sa reflection ng mukha ko sa salamin at nakikita kong bumabalik nanaman ang dating ako.
Ako na, walang ginawa kung hindi hanapin kung sino ang may kasalanan sakin at gantihan ko sila.
Ako na, suki ng hospital o clinic.
Ako na, kaharap nanaman ang mga gangster ng buhay ko.
Ako na, nagalit nanaman ang Lola ko dahil sa mga perwisyong nangyayari sa pamilya namin.
Ako na, Wala nalang ginawang tama.
Hindi ko namamalayang umiiyak nanaman ako, pinunasan ko iyon pero lumuha nanaman ako, sasabihin kong wala akong paki sa iba pero ng nagustuhan ko si Lance parang lahat nalang nang malapit sakanya dapat protektahan ko.
Dahil siguro ayoko ko siyang makitang umiyak.
Ka-lalaki ba namang tao iyakin.
Nagpunas ako ng mga luha ko at inayos ang katawan ko, pagkalabas ko ng banyo nakita ko si kuya at ang ate ni Lance na kalalabas lang ng kwarto, kwarto siguro ng ate niya. 'Yung Louise na yata 'yun.
"H-hannah-" Sabi ni kuya pero...
"Wala akong nakita" tipid na sabi ko at nagumpisa ng maglakad palayo sakanila.
Wala na akong paki kung sino ang kinakama niya dahil hindi ko na maintindihan ang sarili ko, Sabi ni Rye nagiging weirdo na daw ako nitong mga nakaraan.
Alam kong natatakot siya pero hindi ko talaga siya masisisi dahil nakita na niya akong nanakit at nakapatay sa mismong harap niya.
Hindi ko narin alam ang gagawin ko noon dahil sa sobrang takot na mawala si Rye nagawa ko ang bagay na 'yun, nakulong ako kahit bata pa ako pero isang linggo lang naman.
Puro dugo ang nasa harap niya dahil sa baril na tumama sa isang tauhan, kaya nagging ganon ang reaksyon ni Rye ng may nakita siyang dugo at mukhang siya naman ang nakapatay ng na-kidnapped sila kasama kami ng pamilya ko.
Dahil doon sa lahat ng dumadapo sakanya dugo ang iisipin niya, sakanya ito at nagalit nalang basta-basta.
"Uuwi na tayo" Sabi ni Mom.
"Mauna na kami" paalam ni Lolo sa Valdez family.
"Maiwan ka muna dito" seryosong sabi ni Lola at tinalikuran na ako paalis.
Problema nun, baliw na ata----charot.
"Kaylangan kang makausap... Nila" nguso ni kuya sa mga Valdez.
Tumango lang ako at umalis na din sila, lahat sila ulimas na parang ako lang yata naiwan, tumingin ako sakanila at nakatingin padin sila sa pamilya ko, napunta ang tingin ko kay Liam na kumakain ng chocolate bar, nandito pa pala itong pati sila Ethan,Andrei at Jake nandito.
Pati si Katelyn nandito pa din, ayus na 'yan baka magiging awkward lang ang mangyayari saamin.
"Halika, may paguusapan lang tayo" Aya sakin ng Lola nila.
YOU ARE READING
Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)
Rastgele[PART 1] LMINE: HANNAH LAUREN SANCHEZ IVAN SABASTIAN VALDEZ Being a perfect life is good but not always, everyone has a replacement, a person only becomes stable when someone is suffering from the pain of the past, Hannah is a woman who is not only...