17

125 8 0
                                    

Danica Ferren Perez.

HANNAH POV

Nandito kami ngayon sa tambayan ng mga students harap lang ng field, wala masyadong mga students dito dahil busy ang lahat para mag meeting, si Katelyn at Liam ang press at vice press pero mamaya pa daw sila pupunta sa officers room.

"Hoy galit ka parin sakin?" tanong ni Liam at sinamaan lang siya ng tingin ni Katelyn.

"Oo" iyon nalang ang sinabi niya at tinakpan niya ang buong mukha niya.

Nasa kabilang table naman 'yung apat pinagtri-tripan nila si Ethan, ano kayang meron kay Ethan at parang gustong-gusto nilang pagtripan.

"Babe!" napatingin ako kung sino pero hindi ko kilala, dumiretsyo siya kay Lance at hinalikan ang pisngi niya. Parang siya yung nasa canteen dati. Maganda siya long hair, maputi, matangos ang ilong, at mga nasa 5'6 ang height.

"Sino siya?" tanong ni Rye saakin.

"Ewan ko, hindi ko kilala" nagkibit-balikat nalang ako.

"Sabagay ano namang maaasahan ko sayo pagdating ng mga ganito, sino siya?" tanong niya kay Liam.

"Ah, it's Stella Maureen Lopez, sikat na students dito" pagpapakilala ni Liam.

"Omg queen is here!!" sigaw ng babaeng students.

"Oh my, Ang ganda talaga niya" napatingin kaming lahat kung sino ang pinagkakaguluhan nila doon.

Sino naman 'toh?.

"Excuse me, dadaan si queen duh!" maarteng sabi nung nasa likod niya.

"Masasaktan si queen" tapos yung isa pang nasa likod niya.

Ano 'toh alalay.

Sapakin ko kaya, ayus naman siguro diba?. Ang arti eh.

"Eh siya, sino siya?" turo ni Rye doon sa queen na sinasabi nila mukha namang kawal.

"Ah, that is Danica Ferren Perez" nakangiting sabi niya.

Ferren? Baka Paren.

Nakita kong pamunta dito 'yung mga babaeng maaarteng kala mo naman pumunta sa palengke.

"Hi boys!" kumaway pa siya kila Ethan kaya napatayo naman sila. "oh, hi Stella didn't miss me?" baling niya kay Stella at nakangiti pa.

"Hi" kaswal na sagot ni Stella at nakipag beso pa siya doon sa babae.

"Hi Liam!" nakangiting bati niya at si Liam naman humawak pa sa kamay ni Rye.

Tss parang nakakita ng multo.

"Ano ba bitawan mo kamay ko" bulong ni Rye kay Liam pero ayaw bitawan ni liam yung kamay ni Rye.

"Ayoko" bulong din niya kay Rye.

"At bakit?" nanggigigil na bulong ni Rye sakanya.

"Lalandiin ako niya eh" bulong niya kaya nagulat naman ako.

"Dre hi daw oh" hinampas ni Anthony yung braso ni Liam ng kaunti.

"Ah, hehe, hello" kumaway siya tumawa naman si Anthony.

Tumayo siya kaya nakita nilang magkaholding hands sila Rye.

"It's that your girlfriend?" turo niya kay Rye.

"Huh?" nakaawang ang mga labi niya at hindi alam ang isasagot.

"Hindi, kaya pwede mo siya landiin" binawi naman agad ni Rye yung kamay niya.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now