35

103 3 0
                                    

HANNAH POV

"Hoy ano 'yung ginagawa niyo ni Lance sa likod kanina" bulong niya saakin.

"Wala"

"Sharing is caring diba" siniko niya ako.

"Wala nga ang kulit mo" sinabunotan ko siya kaya napahawak siya doon.

"Andaya"

"Ano pinaguusapan niyo?" Tanong si Andrei.

"Ikaw kasi chismoso ka" nagtawanan silang lahat dahil sa sinagot ni Rye.

"Tanong ka kasi ng tanong"

"Bakit kanina pa sila nagbubulungan e'di nabuhay ang curiosity ko"

"Tanga hindi iyon curiosity sadyang chismoso ka lang talaga" binatukan naman siya Anthony.

"Oo na sha-shut up na ako" kunwari pang ziniper ang bunganga niya.

Nandito kami sa marriage booth padin dahil dito lang naman kami nakatokka. Kaunti nalang ang nagpapakasal dahil busy nalang sila sa mga ibang Booth.

Buti naman.

"Hannah sasama ba 'yung pinsan mo?" Tanong saakin ni Katelyn.

"Oo" iniwas ko ang tingin ko pero sakto namang napunta ang tingin ko kay Lance kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Nagugutom ako!" Reklamo ni Liam.

"Tara bili tayo" aya ni Katelyn. "Teka kayo, kayo ang naiiwan dito magbantay kayo bibilhan nalang namin kayo ng pagkain niyo" tinuro kami ni Lance at umalis na silang lahat.

As in lahat sila kaming dalawa lang ang naiwan dito ng baklang ito.

"You!" tawag niya saakin kaya tinignan ko siya.

"Ano, sapakan!?"

"Of course not-"

"Duwag"

"Hoy anong sabi mo, gusto ko lang naman na sabihin dumistansiya ka saakin dahil may girlfriend ako" Galit na sabi niya.

Lakas ng amats nito ah.

"Sa tingin mo gusto ko ring mapalapit sayo?!" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Ahh basta ayokong lumalapit ka sakin, ayaw ni Stella na may kasama akong babae"

"Eh siya?"

"Anong klaseng tanong 'yan" kunot na kunot ang noo niya.

"Gusto mo ring bang may kasama niyang ibang lalaki?"

"Seyempre hindi" sagot niya agad.

"Okay, at gusto ko lang na linawin hindi kita type at ayokong mapalapit sayo" umirap ako sakanya at hindi nalang nagsalita

Makalipas ang ilang minuto ay dumating nadin sila Rye galing cafeteria,marami silang dalang pagkain.Nilagay ni Rye yung binili niyang pagkain saakin,waffle, sandwich at vitamilk na chocolate.

"Naks, buti hindi kayo nag-lq"

"Lovers quarrel" sabay tawa ni Andrei at hinampas hampas pa ang hita niya.

"Dapat EQ hindi naman sila lovers" singit naman ni Rye.

"Anong EQ?" Tanong ni Liam.

"Enemy quarrels" nakangiting ani ni Rye.

"Hindi dapat ECQ" singit naman ni Jake.

"Anong ECQ nanaman 'yan?"

"Enemy Caring Quarrels,oh diba"

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now