80

107 3 0
                                    


CEBU/ Day 2.2

HANNAH POV

Sa totoo lang naaawa ako para kay Lance, pinili ko siyang sagutin extend sa patigilin siyang manligaw sakin, alam kong mali ginagawa ko pero choice kong mahalin siya at piliin dahil kahit ngayon lang pwede akong maging masaya kahit ngayon lang.

Sa lahat ng sinabi ni Lola pwedeng mapahamak na naman mga Valdez dahil sa problema ng Sanchez.

*Flashback

"Ano ba ginagawa natin dito?" Bored na tanong ko kay kuya.

"Fix your sit" utos agad ni Tito.

Sasaluta na sana ulit ako pero lumabas si Lola mula sa pinasukan niyang kwarto dito sa loob ng kwartong pinagiwanan namin.

"Ayos lang ba kayo?" Pangunang tanong ni Lola.

Hindi malamang.

"Grandma why did you call us? Diba si Hannah lang naman pwede mong kausapin sa mga bagay na ito" singit ni Tita, Mommy ni Cy.

"Yes but I need you to talk cause my Brothers are on their way to go back here in Cebu" sagot ni Lola.

Brothers? Ah 'yung mga tukmol na Lolo ko sa side ni Lola.

"Why? That's a big trouble with us, lalo na andito pa ang mga Valdez" si Dad.

"I know but Ylona can take care them all--"

"What! Why me?" Singit ni Ylona na naglalaro ng chess sa gilid.

"Because you are the only grandchild that never hurt you but you can hurt them" sagot ni Lolo.

"Pwede naman si Ate nalang" pabulong na dipensa niya.

"Ylona you never talk to them like that!" Sigaw ni Tita, Mommy nila.

"Fine!" Padabog siyang tumayo at lumabas ng kwarto.

Pagkasara niya may bigla akong naramdaman sa hita ko, pagtingin ko si Kuya 'yung hita niya.

"Bakit?" Pabulong na tanong ko.

"Umayos ka ng upo" bulong niya.

Linagay ko ang paa ko sa gilid ng paa ng upuan saka nagpa-slide pa ayos ng upo. Tinaas ko ang kamay ko na parang magsasagot ng tanong pero magtanong lang talaga ako.

"Why?" Tanong ni Lola.

"Kung dadating mga tuk---mga kapatid niyo ho Lola, bakit parang takot na takot kayo?"

Suminghal siya saka umupo. "Dahil hindi sila pumunta dito para makipag-bonding saatin, kundi kukunin nila lahat ng pag-aari ng Sanchez. Ang mga kapatid ko, sakim silang lahat dahil dapat sakanila mapupunta lahat ng pag-aari namin pero napunta saakin ng malaman ng magulang ko kung anong ginagawa nila sa mga pera namin"

"Eh 'yung kay Lolo?" Nginuso ko si Lolo.

"Hindi sila pupunta dito dahil nandito kayo, pupunta lang sila dito para takutin ako at ibigay ko sakanila mga yaman ng sarili kong pamilya, magkagalit ang Sanchez at Hermosa pero naging magkaibigan naman kami ng Lola niyo" paliwanag din ni Lolo.

Sa totoo lang lahat ng pamilya namin ay pinaka-magulo sa lahat, lahat ng meyembro ng pamilya nila ay puro pera lang laman ng mga utak, kaya kaunti lang ang mga anak nila.

"Kaylan niyong makinig sakanila, huwag puro mga desisyon niyo lang pinapangunahan niyo" si Tita.

"Wait, gusto lang ba talaga nila mga mana o may gusto silang patayin Isa saamin?" Tanong ni Cy at dinuro kaming magkapatid at sarili niya.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now