93

96 4 0
                                    

Ending part 1

HANNAH POV

Habang kumakain ako napapansin ko si Lance na tumitingin sakin, Hindi ko siya pinansin kaya sumubo pa ako ng pagkain, inaagawan kasi ako ni Hazel ng pagkain kaya sunod sunod ang subo ko kaya minsan muntik na akong mabilaukan.

"Ate akin 'yan!" Agaw niya sa graham na kinakain ko.

"Ay sorry sayo pala" binigay ko sakanya ang plato niya at kumain ulit siya.

Pumunta ako sa mga pagkain at kumuha ng spaghetti, kukunin ko na sana 'yung dalawang Shanghai na natira pero naunahan ako ni Lance.

"Hoy akin 'yan!" Sigaw ko kaya tumingin siya sakin.

"This mine, nauna ako sayo" sagot naman niya.

"Ha!" Namamanghang sabi ko. "Akin 'yan mas nauna ako sayo!" Reklamo ko.

"Dapat mas na una mong kinuha ito kesa sa spaghetti mo" turo niya sa plato ko.

Tumingin ako dito at binalik ang tingin sakanya "Paki mo basta akin nga 'yan eh" kukuhanin ko na sana pero bigla niyang kinain 'yung isang Shanghai.

"Nagsubo ko na, gusto mo balik ko tapos kainin mo"

"Tch huwag na, kadiri ka" umirap ako sakanya at naghanap ng ibang pagkain.

"Hi Ate-"

"Ay palaka!" Gulat na sabi ko.

"Hmm? Palaka ako?" Inosenteng tanong niya.

"Hindi sorry ah Celeste nagulat lang ako" Sabi ko.

"Okay lang po" kangiting sabi niya.

Ilang taon ko na ulit hindi nakita ito at mukhang nasa 7 na siya pero anlaki na niya ah.

"Mmm tagal natingin hindi nagkita" kangiting sabi ko.

"Pero seyempre po baby niyo padin ako" kangiting sabi niya at yumakap sa bewang ko.

Ngayon alam ko ng tumatanda na talaga ako.

"Hoy Celestina!" Parang lalaking tawag ni Zin kay Celeste.

Hanggang ngayon pa ba Celestina padin tawag mo.

"What Zinc?" Pakikipagtalo niya.

"Hindi nga kasi Zinc, Zin nga kasi!" naaasar na sigaw niya.

"Ohh whatever" umirap siya.

"Kapag ikaw hindi ka titigil katawag sakin na Zinc-"

"What?!" Nanghahamon na tanong niya.

"Ihuhulog kita sa pool"

"No ayoko, hindi ako marunong lumangoy!" Sigaw niya at nagtago sa likod ko.

"Tumigil na nga kayo" awat ko sakanila.

"Oh tigil na daw, halika kana nga baka masapak pa kita" barumbadong sabi ni Zin at hinila ang pulsuhan ni Celeste kaya lumayo naman sila.

"Tch, tumanda lang sila naging ganun na pinaggagawa nila"

"Like you"

"Ay bwesit!" Gulat na sigaw ko.

Pagtingin ko sa likod ko si Lance na naman.

Ano bang problema niyo.

"Anong sabi mo!" Patuloy na sigaw ko.

"Tumanda ka lang naging mainitin na ulo mo" Sabi niya.

"Tch, Hoy hindi pa ako matanda 18 palang ako kaya huwag ka ngang epal diyan!" Sigaw ko padin habang tinuturo ang mukha niya.

"Okay, I'm not going to be epal with you" sagot naman niya.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now