78

108 4 0
                                    


Cebu/ day 1

HANNAH POV

Sa lahat ng pupuntahan namin sa Cebu pa, malayo ito sa Pangasinan pero no choice ako, hindi pa daw kasi magsisimula ang klase ulit namin kaya tutulong ako sa mga business nila dito, tinatamad akong gumawa ng kung ano dito lalo na business pa.

"Welcome me! Cebu!" Sigaw ni Cy at nakataas ang dalawang braso niya at ninanamnam ang hangin.

Parang tanga.

Binunggo ko balikat niya kaya alam kong muntik na siyang nawalan ng balansi, dumiretsyo ako sa bench malapit kung saan tanaw ang ibang mga bahay.

"Sakit nun ah!....Ano hindi mo na-miss 'to?" Tanong ni Cy.

"Paano ko 'to mami-miss kung wala dito 'yung dalawa" pagkasagot ko tumingin ako sakanya.

"Suuss 'yun lang pala! Ayan na pala sila oh---Joooosshhhh!" Malakas na sigaw niya at tumakbo papunta kay Josh.

Ngayon ko lang ulit siya nakita, nag-Christmas at new year kasi sila sa ibang bansa at pati ng na-hospital ako doon ko lang ata ulit siya nakita, napansin kong Kasama niya mga kapatid niya at magulang niya, pati pamilya ni Rye.

Hindi ko alam kung business pinunta namin dito o reunion, kasi lahat kami kompleto. Lumapit ako sa parents ni Josh at nag-mano saka pumunta kila Josh.

"Hey!" Tawag niya sakin.

Ano ako aso.

"Namo" Sabi ko.

"Hindi mo ba ako na-miss?"

"Tss, na-miss pero wala kang pagramdam sakin!" Sigaw ko.

"Suuusss ito naman, lika na dito yakapin nalang kita---"

"Wow pero kapag ako kulang nalang mapaupo ako sa lakas ng pagkatulak mo sa noo ko! Hanep mo!" Reklamo ni Cy.

"Of course she's my favorite Hannah kesa gaya mong mabunganga!" Sigaw niya kay Cy.

Nakayakap kami habang may sinasabi siya at pagewang gewang kami pero hindi kami natutumba, nagaaway lang sila habang nakayakap ako sakanya.

"Sabihin mo wala kang choice!"

"Meron! Si Rye--teka parang Ikaw nga lang ayaw ko!"

"Tss! Eh sira pala ulo mo sana hindi nalang kita pinapunta dito!"

"Look Who's talking! Shut up Cy! Naiiba na aura ako sayo!" Singit ni Ylona at maarting tinanggal ang shades niya.

"At nandito ka pang madrigal ka!" Sigaw niya sa kapatid niya.

As usual nagaway na naman sila at ang taga awat nila 'yung Morales siblings, tumalikod ako at lumayo sakanila, may nakita akong duyan dito kaya humiga ako, nilagay ko ang palad ko sa batok ko at pinag-cross ang paa ko.

Wala nga pala akong paamlam kay Lance, papatayin nanaman niya ako nun.

"Hi po--"

"Ay palaka!" Sigaw ko sa gulat.

Nang dahil sa gulat ay muntik ko ng masapak itong batang tumawag sakin, namumula na ang mata niya at mukhang papaiyak na, hinila ko siya palapit sakin ang hinawakan ang magkabila niyang pisngi.

Parang si Celeste lang.

"Ate" Sabi niya at sumisinghot na.

"Hmp?" Mahinahon na sabi ko.

"Sasapakin niyo po ako?"

"H-hindi ah, nagulat lang si ate kaya ganun naging reaction ko"

"Okay po" pinunasan niya ang pisngi niya saka ngumiti.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now