03

244 9 0
                                    

HANNAH POV

"Hoy sa'n mo ko dadalhin Ren, putangina hindi ito yung daan papunta sainyo!" tarantang sigaw niya.

"Kaya mo naman palang magtagalog"
pangaasar ko sakanya habang. "At shumat up ka nga lang diyan! Bibili tayo ng mcdo, so shut up!" pagpatuloy ko.

"What really?! Mabuti at naisip mo couz I'm so hungry na kaya" Nang tinignan ko siya nakangiti na.

Tss ang pangit.

"Oo, para may pantapal diyan sa bibig mo ang ingay kasi" inaasar ko pa rin.

"Whatever" tumingin nalang sa labas.

Buti naman at tumahimik 'to kung hindi ihuhulog ko 'to dito, Nakarating kami sa pupuntahan namin kaya kaagad siyang pumila, Nang maka-order kami, puta andaming in-order linibre ko na siya kawawa naman.

Habang sumusubo ako nakatingin lang ako sakanya at hindi ko maiwasang suminghal sa liit ng bibig niya andami niyang nilalagay na pagkain. Uminom ako ng coke at pinunasan kko muna ang bibig ko bago magsalita. "Ganyan ka ba kumain?"

"Yes, why?" umirap pa bago sumubo ulit.

"Gagi" tinakpan ko ang bibig ko. "Ilang taon kang hindi pinakain ng magulang mo-"

"Just shut up" pagpuputol niya sakin. "It's not funny" nakatingin lahat ng costumer samin dahil sa sobrang lakas kong tumawa, tapos na kaming kumain umuwi na rin kami.

Bahay.

"Yes finally nandito narin" tuwang tuwa ang gaga.

"Hoy Ikaw" turo ko sakanya ng makuha ko na yung gamit ko. "bawas-bawasan mo 'yang ngiti mo, tsaka 'yung mga gamit mo ipasok mo na" sabi ko habang pagpasok ng bahay.

"What!! Ako magdadala na naman nito! Pagod na ako" rinig kong reklamo niya kaya naman bumalik ako sa gate.

"Alangan naman ako, remember-" Sabi ko pero hindi ko natuloy.

"Okay! Okay! Okay na! Gagayahin mo na naman ako eh"

"Nakapareklamador mo kasi, kaya mo nayan. Matanda kana" Sabi ko at tuluyan ng pumasok.

Wala si Mom dahil bukas pa dadating, may business trip daw sa Boracay, si Kuya mamaya pa uuwi mga 8pm, Si Dad maybe overnight sa work.

"Manang" bati ko sakanya.

"Oh bakit hindi mo tinutulungan pinsan mo, Ikaw talaga" sermon agad.

"Eh sabi niya manang huwag ko raw papakialaman saka kaya na niya 'yan, ang onti lang naman ng bitbit niya" pagtatangol ko sa sarili ko.

Palusot ko pero mukhang hindi naniwala.

"Oh siya tapos ka na ba iha" baling ni manang sa pinsan ko.

"Yes po Manang" bignagsak ang sarili sa sofa habang nakatingin sakin ng masama at kasalanan ko nanaman.

Kumain na kami, pagkatapos nun umakyat na ako nilock ko narin 'yon para hindi makapasok ang bruha , naligo na muna ako bago magpakita sakanya.

"Shit ansakit ng katawan ko, buti nalang at naka-survive ako ngayong first day, buti nalang"

Malamang sino pa ba kausap ko edi itong teddy bear ko at damay mo narin ang sarili ko.

Tinignan ko yung Instagram ko shit bakit andaming nagfo-follow sakin dati 3,153 followers ko ngayon.

Post:27 Followers:6,245 Following:143

Unti lang fina-follow halata nama dahil Minsan ko lang ginagamut ang Instagram ko at never pa akong nagfollow ng kung sino-sino. Napakunit ang noo ko ng tumunog yung phone ko.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now