73

95 4 0
                                    

HANNAH POV

*Flashback

Nagising ako ng sobrang sakit ng katawan ko, hindi ko maigalaw lahat ng katawan ko, may naririnig akong mga nagsasalita pero hindi ko makita. Hinayaan ko lang na pinapakinggan mga sinasabi nila at dalawang araw siguro akong ganon ang dating, magigising pero hindi makamulat, nagigising pero hindi makagalaw.

Unti unti kong minulat ang mata ko at bumungad sakin si Rye na nakahawak sa kamay ko habang nakasubsob ang mukha sa braso at kama ko, naka-uniform siya kaya alam kong galing siya sa school.

Nagising siya kaya umangat ang ulo niya saka kinusot ang mata niya, pinapanood ko lang siya sa mga ginagawa niya, mahalaga sakin si Rye pero kung nasasaktan siya 'yun ang mahirap para sakin, pinunta niya ang tingin niya sakin at napangiti siya ng makitang buhay ako.

"Hannah! Buhay ka!" Sigaw niya at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Tingin mo sakin patay?"

"Oo, tagal mo kasing tulog eh" sagot niya.

"Matagal?"

"Oo nakaalis nadin si Lance, saka tapos nadin ang school day Ilang araw nalang magpapasko na"

"Ibig mong sabihin?"

Ibig sabihin tapos nadin birthday ko. Huhuhu bwesit.

"Komplikado lahat sayo, Sabi ng Doctor impossible ka pang magigising, kaylangan kalang i-confine para kung magigising edi maayos pero kung hindi may panglalamayan kami" malungkot na sabi niya.

"Tumigil kana nga!"

"Paano ako titigil kung ganito nangyari sayo!" Biglang sigaw niya.

"Hanggang mapupunta pa ako dito sa hospital hinding hindi ako pwedeng mamatay"

"Weh? Dapat lang dahil papakamatay din ako kung ganon"

Kinaltukan ko siya kaya masama siyang tumingin sakin.

"Siraulo ka talaga"

"Hehehe joke lang" niyakap niya ako.

Ilang araw na ang nakalipas at Isa sa mga araw na iyon ang therapy, natapos iyon kaya pinagpahinga nila ako ng dalawang araw at ilalabas na nila ako.

"Apo pwede ba kitang makausap" Sabi ni Lola.

"Pwede naman" bored na sabi ko.

"Apo gusto lang sana ni Lola na mag-sorry sa lahat ng ginawa ko sayo, alam kong marami kang dahilan para magalit sakin pero sinubukan kong ilayo ka doon sa pagsali ng Gang na iyon dahil matagal ko ng alam---"

"Matagal niyo ng alam ang alin?"

"Matagal ko ng alam na sumali sa Gang nila Thompson, kaibigan ko siya kahit ganon ang mga pinaggagawa niya pero hindi ko iniisip na iba na pala ang turing mo sakin, tinanggap ka ni Thompson dahil gusto niyang makasama ang isa sa mga anak namin o apo namin, Ikaw ang mahalaga saamin, saaming lima. Mahal ka namin apo lalo na ako" hinawakan niya ang kana kong pisngi.

"Tss, kung mahal niyo ko bakit galit kayo na nakikipagbasagulira ako"

"Iyon na nga kung bakit ako nagagalit sayo una sa katigasan ng ulo mo hindi ka nakikinig kahit Isa manlang saamin kaya hinayaan ka namin pero sa sobrang kapabayaan namin sayo naituturing mo nadin sarili mong hindi parti ng pamilya"

"Alam niyo ba kung sino pumatay sa Lolo ko sa tuhod?"

"Oo matagal na, hindi si Lance ang pumatay sa Lolo mo sa tuhod kung hindi 'yung business partner ng Lolo mo, apo sinabi ko kay Franklin na ang putay sa Lolo mo ay si Lance pero iba nagging apekto sayo kaya hindi ko alam kung mapapatawan mo na ako"

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now