64

101 5 0
                                    

IVAN POV

Shit.

Kusa kong nasabi iyon kahit hindi naman pwedeng sabihin, kahit bulong pa iyon baka narinig niya, dahan dahan akong tumingin sakanya at nakita kong....

Nangungulangot habang tinatadyakan ang mga maliliit na bato.

"Hoy!" Binatukan ko siya.

Masama siyang tumingin saakin pero bago pa siya makapagsalita nilinisan niya muna ang daliri niya at tumingin ulit sakin.

"Raulo ka!" Sigaw niya at aambang hahampasin ako pero binabaniya niya lang kamay niya. "Samahan mo ako" seryosong sabi niya.

"Bakit hindi kay Franklin ka magpasama" pangaasar ko.

"Sige diyan kana hahanapin ko lang 'yung ugok nayun" aalis na sana siya pero hinarangan ko at napatingala naman siya.

"Saan ka pupunta?"

"Kay Franklin? Diba sabi mo?"

Nasampal ko nalang ang noo ko dahil hindi manlang siya naka-gets sa sinabi ko.

Tado.

"Tch halika na" hinila ko ang kamay niya at lumakad na.

"Teka! Alam mo ba kung saan tayo pupunta?"

"H-hindi" napapahiyang sabi ko at nagkamot ng batok.

"Doon sa Erick, siguro naman kilala mo iyun"

"Oo malamang"

"Ayaw mo kong samahan" pagmamaktol na ewan.

"Sasamahan na kita" Sabi ko. "Doon kapa magpasama sa walang kwentang ex mo" madiin na sabi ko sa huling salita ko.

Naglakad kami at hinanap si Erick, nakita namin siya dito sa bench likod ng cafeteria, lahat sila ay nagtatawanan pero nawala lang iyon ng ilagay ni Hannah paa with sapatos niya.

Nawala din ang ngiti ni Erick at padabog siyang tumayo.

"Problema mo!" Sigaw niya pero hindi iyun pa-tanong.

"Kaylangan kitang makausap....'yung seryoso walang sapakan" maangas na sabi ni Hannah.

"Paano kita masi-seryoso kung ganyan ginawa mo" turo niya sa sapatos ni Hannah.

"Oh sorry" mapangasar na sabi niya at pinunasan ang lamesang tinapak niya.

"Tch" Singhal niya at iniwas ang tingin. "Ano ba paguusapan natin" bored na sabi niya.

Hindi sumagot si Hannah at tinignan niya ito sa palasingsingan ni Erick, nakakunot na ang noo niya medyo masama ang timpla ng mukha niya.

"Hindi ba't leader ka ng Miana ngayon?"

"Oo" bored pa ding sabi niya.

"Eh bakit may dragon fly 'yang palasingsingan mo?" turo kung nasaan ng dragon fly.

Sa pagkakaalam ko wala kaming ganyan dahil hindi ako gumawa ng rule na magpa-tattoo sila pero nagpa-tattoo na sila simula nung itong tangang ito ang naging leader nila.

"Paki mo!"

"Eh Gago ka pala eh!" Hinablot ni Hannah ang damit ni Erick at pinasandal sa dulo ng lamesa.

"Aray ko! Ano ba!" Reklamo niya.

"Talagang masasaktan ka kapag hindi mo sinabi kung na saan ang isa mo pang boss" madiin na sabi ni Hannah.

"Tch bakit ko naman sasabihin iyon"

Sinapak siya ni Hannah kaya nagsitayuan ang mga kasama niya, madami sila at dalawa lang kami pero kaya na niyan ni Hannah.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now