38

115 4 0
                                    

HANNAH POV

"Then why do you have a ring?"

Tumingin ako sa suot kong singsing, puta ito 'yung binigay nila nung kinasal kami ni Lance pucha naman oh.

"Ah, hehehe, ahm may nagbigay lang ho sakin" pinilit ko talagang ngumiti para wala silang mapansin.

Tangina nagplaplano pala sila Lola na may arrange married na magaganap huwag naman sana ako. Patayan nalang bago kami magpakasal.

"Ohh, okay so-" naputol ang sasabihin niya dahil dumating sa table namin si Lola.

"Nandito kalang pala, kanina pa kita hinahanap-oh apo nandito ka pala"

Nagtago ako sa sarili kong buhok pero nakita mo padin ako Lola,makisama ka naman. Tumingin ako sakanya at ngumiti.

"H-hi L-lola" kumaway ako sakanya.Narig kong pinipigilan ni Lance na tumawa kaya tinapakan ko sapatos niya.

"Aray" bulong niya at tanggalin na sana niya ang paa ko sa sapatos niya pero nauntig siya sa table. "Aray, put-" humawak siya sa ulo niya kaya pinigilan ko ding tumawa ng malakas.

"Ano masakit?" Inipit na bulong ko ang boses ko para hindi nila marinig at tumango naman siya kaya diniin ko pa ang pagtapak.

Kusa ko ding natanggal iyon dahil hinawakan niya ang hita ko. Tinignan ko siya ng masama pero parang gulat din siya sa ginawa niya.

Bastos amp. Pero first time lang may humawak ng hita ko.

"Hoy ayus lang kayong dalawa?" Tanong ng ate niya.

"Oo ate" sagot niya.

"Mmm, okay" ngumiti siya at pinagtuunan ng pansin ang kapatid niyang bunso.

Kinurot ko si lance sa bewang niya at napatalon naman siya kinauupuan niya. "Nasisiraan kana ba, bakit mo hinawakan legs ko, manyakis ka" gigil na bulong ko.

"Sorry hindi ko naman sinasadya,pati nga ako nagulat" bulong niya.

Ng tumingin siya saakin malapit Ang mukha namin sa isa't isa kaya umiwas agad ako ng tingin, napansin ko ang Mommy niya na pinipigilan ang tawa niya tumingin siya sakin pero agad niyang iniwas ang tingin niya.

Wala kaming something ng anak mo.

"Ahh, Celeste" kinalabit ko kapatid ni Lance at tumingin naman siya kaagad saakin.

"Bakit po?"

"Pupunta na ako sa table namin-"

"Why po?" Nagpout siya saakin at maluluha nanaman.

Ano ba 'tong batang ito.

"Ahm ano kasi.."

Pano ba ito.

"Tinatawag na kasi ako nang mga kaibigan ko pero kung gusto mo akong puntahan doon lang ako oh" tinuro ko yung table namin sa hindi kalayuan dito.

Ngumiti siya at pinunasan iyung luha niya sa pisngi "sama ako"

"Ha, Hindi pwede!!" Napalakas ata boses ko dahil nagulat siya. "Hindi kasi puro kami matatanda doon"

Tumingin siya sa table na tinuro ko at binaling niya ang tingin sakin. "I know them, kuya's friends"

"Tanongin mo ate mo kung pwede kang sumama saakin, hmm" Kinalabit niya ang ate niya at ngumiti siya.

Sabi magpapaalam hindi magpapacute.

"Ate pwede sama ako kila ate Hannah po?"

Tumingin sakin iyong ate niya at bumaling sa kapatid niya. "Sige pero doon kalang ha, kung saan saan ka kasi nagpupupunta"

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now