36

117 4 1
                                    


Celeste.

HANNAH POV

August 17 Katelyn's birthday

"Hoy gising na anong oras na oh"

Wala kaming pasok ngayon dahil may pupunta daw na visitors sa campus, nakagising ako kanina ng alas kwarto para magbihis pero kagaya ng sinabi ko nagchat ang advisor namin na nasuspend ang klase.

"Oo na tatayo na"

Narinig kong sinara na niya ang pinto sa kwarto ko kaya tumayo nadin ako, pagtingin ko sa orasan alas kwarto na ng hapon.

Tangaina hindi nila ako ginising,walang kain ng haponan.

"Anong oras na 'yung birthday ni Katelyn?" Tanong saakin ni Cy.

"Hindi kaba nagbabasa sa invitation card mo"

May gumawa daw ng invitation card niya at kami daw munang mga kaibigan niya ang nabigyan niya kahapon dahil kahapon lang ng gabi nagawa ang invitation card.

"Ohh, it's 7:30 pm" nagulat na sabi niya nakahawak pa sa labi niya.

"Huwag ka ngang maarte"

Umupo ako sa dinning chair at kumain na ng meryenda tutal wala akong kain ng haponan pero hindi rin naman ako nagugutom, ayus narin iyon.

"Madami bang bisita?"

"Oo ata"

"May gosh baka doon na ako makakita ng sugar daddy, oh my gosh" pinaypayan pa niya sarili niya gamit ang invitation card niya, Napaubo ako dahil sa sinabi niya at kumuha ako ng tubig dahil nasamid ata ako sa sinabi niya.

"Ano kamo?"

"Sabi ko sugar daddy!"

"Yuck tangaina ka"

"Para masaya buhay 'no, baka sila pa makapagbigay ng pangarap ko sa buhay" sinandal niya naman iyung katawan niya sa likod ng upuan.

"Ano ba pangarap mo? Sa pagkakaalam ko wala ka atang pangarap"

"Diba nga sinabi ko na sayo, gusto kong maging model" tumawa ako dahil sa sinabi niya.

"Edi pumunta ka sa Paris para doon ka maging model hindi 'yung maghahanap kapa ng sugar daddy mo para lang diyan"

"Tse" umirap siya saakin at pumunta ng taas.

Ayaw kong magging model siya dahil mga pinapasuot sa mga model ay ang mga iba ay masyadong reveling, Hindi ko naman sinasabi na hahadlangan ko ang pangarap niya pero iyon lang ang naiisip ko pero kung wala talagang magagawa dahil iyan ang pangarap niya simula bata pa kami,pati din si Rye ganyan din ang pangarap niya pero paano ako 'ni hindi ko nga alam kung anong pangarap ko.

***

6:27 pm

"Hoy halika na Cy!!!!" Sigaw ko.

Medyo malayo Ang Bahay nila Katelyn dahil sinend niay sakin ang address ng bahay nila sa kabilang village lang pero malayo na din para hanggang dito to sa bahay nila.

"Ito na" nakasuot siyang red plain puff sleeve square neck slim at red high heels. "Sasama ako dahil wala kang Bantay" tinuro niya ang mukha ko kaya sinampal ko iyon.

Anong suot ko sana ay ang high neck sheath bodycon dress long sleeve plain dress pero binigay niya saakin ay iyung reviling clothes pinapili ko ulit siya ng huwag ang reviling final na sinuot ko ay iyung Slim plain square neck.

Ako na ang nagdrive at sa front seat, Mustang na ang gamit ko dahil nalinisan na itong sasakyan ko, pagkababa namin nakita ko si Katelyn na nasa harap ng gate at parang may hinihintay.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now