90

93 5 0
                                    

HANNAH POV

"Anak pwede pakibantay lang si baby Thalia" pakiusap ni Mom.

"Sige po pupunta na" sagot ko.

Ilang araw ang nakalipas ng magkasama kami ni Lance, nakikita at nagkausap naman kami kaya ayus nadin 'yun, si Rye naman tambayan na niya dito, wala na daw siyang boyfriend kaya dito nalang siya ulit tumatambay.

Pagkapasok ko sa kwarto ni Thalia natutulog lang siya, hindi siya madaling umiyak, umiyak lang siya kapag gutom or may take na sa pampers niya pero ngayon ay mahimbing ang tulog niya.

Napangiti ako dahil sa laki ng pisngi niya pwedeng pwede kong kagatin, habang pinipisil ko ang pisngi niya gumagalaw naman na siya kaya iniwan ko muna siya at kinuha ang ipad ko saka bumalik sa kwarto niya. Mahimbing padin ang tulog niya.

Ilang oras ang nakalipas nagising siya at medyo namumula na ang pisngi niya at mukhang iiyak na nga. Umiyak na nga

"Shush tahan na baby, andito na si Ate" pagpapakalma ko at binuhat ko siya.

Dahan-dahan lang ang pagbubuhat ko sakanya dahil medyo magaan siya at pwedeng mahulog kapag hindi nahawakan ng mabuti. Nang mabuhat ko siya kumalma nadin siya kaya pinunasan ko ang mukha niya na may basa-basa dahil pagiyak niya.

Ilang oras ang nakalipas natulog na ulit siya kaya naglaro ulit ako sa ipad ko, nangnaiinit ako pinabantay ko muna sa maid namin ang kapatid ko at naghanda ng makakain.

Hapon.

Nakadating nadin si Mom galing sa grocery kaya wala sila Cy, at kapatid kong Isa pati si Zin pumunta yata sa park, ako na ang nangangalkal ng mga pinamili ni Mom.

"Where's Thalia?" Bungad na tanong niya.

"Asa maid, gugutom ako kaya sila muna pinabantay ko" sagot ko habang sumusubo.

Walang sinabi si Mom at umakyat nalang, habang naghahanap ako ng gusto kong pagkain sumulpot naman si Kuya.

"Hey my first baby" kangiting bati niya sakin.

"Tch, tigil tigilan mo nga ako" inirapan ko siya.

"Tss ito naman, baby padin naman kita kahit matanda kana" pinisil niya pisngi ko.

"Ano ba!!! Ikaw itong matanda satin!!"

"Ouch foul 'yun ah!" Humawak siya sa dibdib niya.

"Oo talagang mafa-foul ka sakin kung hindi ka lumayas sa harap ko" pinandilatan ko siya ng mata.

Kinuha niya ang isang pepero at umalis na, kumuha ako ng pagkain ko at pinaligpit ko na din sa ibang maid ang pinapimili nila, umakyat na ako dahil ako ay nagugutom na. Susubo na sana ako kaso biglang tumunog ang cellphone ko.

Putek panira naman oh, kumakain 'yung tao eh.

"Hello?!" Pabalang na tanong ko.

[Galit ka agad?] Si Lance pala.

"Kumakain ako eh, estorbo ka! Ako nalang tumawag sayo mamaya" Sigaw ko.

[Ay pasensya na ah, miss lang kasi kita kaya ako tumawag, Sige na baka magalit kapa]

"Hoy teka!" Pigil ko sakanya pero pinatay na niya.

Bwesit 'yun.

(Fast forward)

*****

Ilang araw ang nakalipas at hindi na ako pinansin ni Lance, naka Ilang tawag nadin ako sakanya at naiinis na ako dahil ayaw niyang sagutin o mag-message manlang sakin, lately napapansin ko nadin na nagiging iba na ang turing niya sakin.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now